Pag-aaral sa Brochure na Banal na Pangalan
1 “Magpasalamat kay Jehova, kayo bayan! Tumawag sa kaniyang pangalan. . . . Sabihin ninyo na ang kaniyang pangalan ay marangal.” (Isa. 12:4) Ito ang nais nating gawing lahat, at ito ang siyang dahilan kung bakit ang brochure na Ang Banal na Pangalan Na Mananatili Magpakailanman ay inilathala. Mula nang ito ay ilabas, ang brochure na ito ay nakatulong sa atin na tuparin ang utos na ito nang higit na mabisa. Walang alinlangan, ang karamihan sa atin ay nabasa na ang brochure sa panahong ito.
2 Upang tiyakin na lubos na nauunawaan ng lahat ang nilalaman nito, isinaayos ng Samahan na ito ay mapag-aralan sa Pag-aaral ng Aklat sa Kongregasyon pasimula sa linggo ng Setyembre 13-19 hanggang sa katapusan ng Oktubre. Nais nating tamuhin ang pinakamalaking kapakinabangan mula sa mga pag-aaral na ito. Paano natin gagawin ito?
PAGHAHANDA
3 Ang susi ay paghahanda. Ang brochure ay pag-aaralan sa karaniwang paraan, na babasahin ang mga parapo at titingnan ang mga binanggit na kasulatan habang ipinahihintulot ng panahon. Subali’t yamang ang Samahan ay hindi naglaan ng mga tanong para sa mga parapo, paano tayo makapaghahanda nang patiuna? Sa paraan ding ating ginagawa sa paghahanda ng komento sa mga artikulo sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Basahing maingat ang bawa’t parapo, tingnan ang mga binanggit na kasulatan, at pagkatapos ay salungguhitan ang mga pangunahing punto.
4 May karagdagang hakbang para sa konduktor ng pag-aaral. Kapag nasumpungan niya ang pangunahing punto sa parapo, gagawa siya ng tanong upang maitampok ang puntong iyon. Halimbawa, sa unang parapo sa pahina 3, ang Panalangin ng Panginoon ay tinalakay, lalo na sa unang mga salita nito. Kaya, maaaring itanong ng konduktor: “Anong panalangin ang pamilyar sa maraming mga taong relihiyoso? Paano nagsisimula ang panalanging iyon?” Ang ikalawang parapo ay nagpapakita kung ano ang pagkakasunod-sunod ng mga paksa sa Panalangin ng Panginoon. Kaya maaaring itanong ng konduktor: “Ano ang pinakamahalagang bagay na maaari nating ipanalangin? Ito ay higit na mahalaga kaysa ano pang ibang bagay?” Ang mga katanungan ay dapat na maikli, maliwanag, at tuwiran sa punto. Kadalasang dapat na isa-isa lamang ang mga tanong.
5 Ang malalaking kahon ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon na dapat na talakayin kaagad pagkatapos ng parapo na malapit sa mga ito. Halimbawa, ang kahon sa pahina 7 ay maaaring talakayin pagkatapos ng parapo 2 sa pahina 11. Ang malaking kahon sa pahina 21 ay maaaring talakayin kapag ang iniatas na bahagi sa linggong iyon ay nakubrehan. Ang kahon sa pahina 25 ay maaaring talakayin pagkatapos ng parapo 4 sa pahina 25.
6 Sa ilang pagkakataon maaaring ipabasa ng konduktor ang lahat ng mga parapo sa kahon sa isang pagkakataon at pagkatapos ay talakayin ang kahon sa kabuuan, sa halip na parapo por parapo. (Hindi na kailangang basahin pa ang nilalaman ng kahon sa pahina 8.) Ang mga dumadalo ay maaaring magkomento sa mga nasa maliliit na kahon at ilustrasyon. Kung hindi nila magawa iyon, itatawag ng konduktor ang pansin sa impormasyon kapag naaangkop.
7 Ang ating pag-aaral sa brochure na Ang Banal na Pangalan Na Mananatili Magpakailanman ay tutulong sa atin na mag-isip tungkol sa pangalan ni Jehova. (Mal. 3:16) Kung tayo ay naghahandang taimtim at presente sa bawa’t pag-aaral, tayo ay magiging kuwalipikadong tumulong din sa iba na mag-isip tungkol sa pangalan ni Jehova.