Bagong Kaayusan sa Pang-araw-araw na Teksto at Yearbook
1 Pasimula sa 1986 ang Yearbook ay sasaklaw na lamang sa teokratikong kasaysayan ng dalawa o tatlong mga bansa kasama ng pambuong daigdig na ulat sa paglilingkuran sa isang taon. Ang materyal para sa pang-araw-araw na teksto ay lalabas sa isang hiwalay na 128-pahinang bukleta na pinamagatang “Examining the Scriptures Daily”—1986.
2 Ito ay isa na namang hakbang na pasulong sa palatuntunan ng Samahan na maglimbag ng sabay-sabay na impormasyon sa maraming wika. Pasimula sa Enero 1, 1986, tayo ay magkakaisa sa buong daigdig sa pagsasaalang-alang ng pang-araw-araw na teksto, di tulad sa nakaraang mga taon sa maraming mga lupain. Ito ay lubos na magpapatibay sa ating Kristiyanong pagkakaisa!—1 Corinto 1:10.
3 Ang bagong publikasyon hinggil sa pang-araw-araw na teksto ay maaaring imprentahin nang mas maaga kaysa Yearbook at maaaring ipadala sa mga kongregasyon nang nasa panahon para magamit ng bawa’t isa sa pagpapasimula ng taon. Ang munting halaga ay magpapangyari sa bawa’t isa sa kongregasyon na magkaroon ng isang personal na kopya, upang maisagawa ang pampamilya at panggrupong pagtalakay ng pang-araw-araw na teksto. At kumbiniyente ang laki upang madala sa mga pulong, sa trabaho, sa paaralan, o saanman.
4 Ang pidido ng kongregasyon para sa “Examining the Scriptures Daily”—1986 ay dapat na ipadala sa Samahan sa Agosto 1, 1985, na ginagamit ang pantanging porma sa pagpidido na ipadadala sa inyo kasama ng inyong buwanang statement ng kuwenta para sa Hunyo. Pagkatanggap ninyo ng order form na ito, ipadala ang pidido para sa inyong kongregasyon. Ang bukleta ay makukuha lamang sa Ingles sa Pilipinas, kaya ingatan ito sa kaisipan sa pagpidido. Ang halaga para sa mamamahayag ay ₱3.60 at sa payunir ay ₱4.20. Walang ibibigay na libre sa mga payunir.
5 Ang 1986 Yearbook, na magkakahalaga ng ₱12.00, ay hindi dapat pididuhin sa panahong ito. Pakisuyong maghintay hanggang maisagawa ang patalastas bago pumidido nito at ng kalendaryo.