Gumawa ng Praktikal na Iskedyul ng Pamilya
1 Sa Sermon sa Bundok, hinimok ni Jesus ang kaniyang mga tagapakinig: “Patuloy, kung gayon, na hanapin muna ang kaharian at ang kaniyang katuwiran.” (Mat. 6:33) Ang pagkakaroon ng nasusulat na iskedyul ay isang praktikal na paraan upang planuhin ang mga gawain ng pamilya at sa gayo’y mabigyang-priyoridad ang espirituwal na mga bagay. Gumugol ng ilang minuto upang gumawa ng iyong sariling lingguhang iskedyul ng pamilya, na ginagamit ang blangkong iskedyul sa pahina 6 ng insert na ito. Bilang proyekto ng pamilya, maaaring naisin ng ilan na gupitin ang sampol na mga gawain sa nasabing pahina at idikit ito sa blangkong iskedyul. Baka mas gusto naman ng iba na isulat mismo ang mga gawain sa iskedyul.
2 Makatutulong ang sampol na iskedyul na ipinakikita sa ibaba habang gumagawa ka ng iyong iskedyul. Mapapansin mong kasama rito ang apat lamang na mahahalagang gawain: (1) pagdalo sa mga pulong ng kongregasyon, (2) paglilingkod sa larangan bilang pamilya, (3) pampamilyang pag-aaral, at (4) pagtalakay sa pang-araw-araw na teksto. Matutulungan kang ‘tiyakin ang mga bagay na higit na mahalaga’ kung isasama mo ang mga ito sa iyong iskedyul. (Fil. 1:10) Nasa pahina 4-5 ang higit pang mga mungkahi hinggil sa apat na larangang ito.
3 Hindi naman kailangang maging limitado lamang sa apat na gawaing iyon ang iskedyul ng inyong pamilya. Kung naghahanda kayo para sa ilang pulong bilang pamilya, itala ito sa inyong iskedyul. Kung sama-sama kayong nagbabasa ng isang bahagi ng Bibliya pagkatapos isaalang-alang ang pang-araw-araw na teksto o kung ginagawa ninyo ito sa ibang panahon, isulat ito sa iskedyul. Kung karaniwan nang gumagawa kayo ng ilang uri ng paglilibang bilang pamilya, baka nanaisin mong isama ito sa inyong iskedyul.
4 Iangkop ang iskedyul ng inyong pamilya ayon sa mga pangangailangan at kalagayan ng buong sambahayan. Suriin sa pana-panahon kung gaano ito kabisa, at gumawa ng mga pagbabago kung kinakailangan.
[Tsart sa pahina 3]
Sampol na Iskedyul ng Pamilya
Umaga Hapon Gabi
Ling. Pang-araw-araw
na Teksto
Pahayag Pangmadla at
Pag-aaral sa Bantayan
Lu. Pang-araw-araw Pampamilyang Pag-aaral
na Teksto
Mar. Pang-araw-araw Pag-aaral ng Kongre-
na Teksto gasyon sa Aklat
Mi. Pang-araw-araw
na Teksto
Hu. Pang-araw-araw Paaralang Teokratiko
na Teksto Ukol sa Ministeryo at
Pulong sa Paglilingkod
Bi. Pang-araw-araw
na Teksto
Sa. Pang-araw-araw
na Teksto
Paglilingkod
sa Larangan
(Araw ng Pagmamagasin)
[Tsart sa pahina 6]
Iskedyul ng Pamilya
Umaga Hapon Gabi
Ling.
Lu.
Mar.
Mi.
Hu.
Bi.
Sa.
.................................................................
Pang-araw-araw Pang-araw-araw Pang-araw-araw Pang-araw-araw
na Teksto na Teksto na Teksto na Teksto
Pahayag Paaralang Pag-aaral ng Pampamilyang
Pangmadla Teokratiko Kongregasyon Pag-aaral
at Ukol sa sa Aklat
Pag-aaral Ministeryo
sa Bantayan at Pulong sa
Paglilingkod
Pang-araw-araw Pang-araw-araw Pang-araw-araw
na Teksto na Teksto na Teksto
Paglilingkod Pagbasa sa Paglilibang
sa Bibliya ng
Larangan Bilang Pamilya
Bilang pamilya
Pamilya
(Araw ng
Pagmamagasin)