Ang Pag-aaral ng Aklat sa Kongregasyon
1 Ang pag-aaral ng Aklat sa Kongregasyon ay mahalaga para sa ating espirituwal na pagsulong. Kung ang pulong na ito ay hindi laging nadadaluhan ng iba, maaari kayang itinuturing nila itong di gaanong mahalaga kaysa iba pang pulong? Ang lahat ay maaaring makinabang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting pangmalas sa kaayusan ng Pag-aaral ng Aklat sa Kongregasyon.
ANG GINAGAMPANAN NG KONDUKTOR
2 Ang konduktor ay dapat na maging seryosong estudyante ng Salita ng Diyos. Dapat na siya’y maghandang mabuti, maingat na makinig sa komento ng mga kapatid at maging interesado sa pagsulong ng indibiduwal na nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga. Kailangan din siyang maging mabait at makonsiderasyon, nagpapatibay sa lahat na makibahagi at walang sinumang hinihiya.
3 Tinitiyak ng isang mabuting guro na naitatampok ang mga pangunahing ideya. Ang konduktor ay magiging alisto sa maling komento at mataktikang itutuwid iyon.—Tito 1:9; Fil. 1:9.
1NG MGA DUMADALO
4 Ang patiunang paghahanda ng lahat ng dumadalo ay mahalaga. Maaaring walang sapat na panahon upang basahin ang lahat na binanggit na kasulatan sa panahon ng pag-aaral, subali’t kung patiuna ninyong titingnan ang mga yaon, maaaring makapagkomento kayo sa mga ito. Ang lahat ay aming pinasisiglang magkomento sa sariling pananalita. Ito ay makatutulong upang maipahayag natin ang sarili sa lalong mabuting paraan sa ministeryo.
5 Sa Pag-aaral ng Aklat ng Kongregasyon, dapat na pangalagaan ng mga magulang ang kanilang mga anak upang hindi nila magambala ang pulong. Pinahahalagahan ang pagbubukas ng mga kapatid ng kanilang tahanan para sa pag-aaral at sa paglalaan ng isang malinis at maliwanag na pulungang dako. Sa pamamagitan ng pagiging mapagpatuloy, nakadarama ang iba na sila’y tinatanggap. (Kaw. 3:9) Sabihin pa, ang mga dumadalo ay dapat na igalang ang tahanan at hindi dapat magmalabis. Ang ating damit, ayos at paggawi ay dapat na magbigay ng karangalan sa ating pagsamba kay Jehova.—Tingnan ang pahina 63 sa aklat na Ating Ministeryo.
6 Ang Pag-aaral ng Aklat sa Kongregasyon ay naglalaan ng mahalagang pagsasanay para sa ministeryo sa larangan. Dapat na tayo’y maging palaisip sa mga punto para sa larangan sa panahon ng pag-aaral. Ang pagkokomento ay tutulong sa atin na mapagtagumpayan ang pagiging mahiyain at maging higit na bihasa sa mga Kasulatan. Ang positibong pangmalas sa Pag-aaral ng Aklat sa Kongregasyon ay tutulong sa atin na mapahalagahan ang paraan ng pangangalaga ni Jehova sa kaniyang kawan.