Ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ay Nagpapasulong sa Edukasyonal na mga Gawain
1 Ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa pang-edukasyonal na programa ng organisasyon ni Jehova. Ang mga grupo ng pag-aaral sa aklat ay nasa kombiniyenteng lugar. Yamang ang pag-aaral ay nasa mismong lugar nila, nagiging madali ang pagdalo ng mga interesado.
2 Ginagawa ang pagsisikap upang panatilihing maliit ang bawat grupo. Ito’y nagpapangyaring makapagbigay ang konduktor ng personal na tulong sa bawat isa. Kung mayroong nahihirapang umunawa sa isang punto, maaaring talakayin ito ng konduktor nang higit pa pagkatapos ng pag-aaral. Bukod dito, sa maliit na grupo, mas marami ang makapagkokomento at makababasa ng mga kasulatan. Regular ba kayong nagkokomento? Sinisikap ba ninyong sumagot sa sariling pananalita? Samantalang kayo ay naghahanda, gamitin ang inyong kapangyarihan sa pag-unawa upang makita kung papaano ninyo maikakapit nang personal ang mga punto sa leksiyon.—Heb. 5:14.
3 Sa pamamagitan ng pagmamasid sa paraang ginagamit ng konduktor sa pagtuturo, matututuhan ninyo kung papaano mangangasiwa ng mga pag-aaral sa Bibliya sa higit na nakapagtuturong paraan. Pagkatapos basahin ang mga parapo ng isang kuwalipikadong kapatid, tatalakayin ang mga katanungan. Pagsisikapan ng konduktor sa pag-aaral na mapalitaw ang mga komento sa mga kasulatan upang maunawaan natin kung papaano ikakapit ang mga ito. (Ihambing ang Nehemias 8:8.) Sa pana-panahon ay maaaring magbigay siya ng maikling komento o gumamit ng karagdagang mga tanong upang mapalabas ang susing punto. Ang ilustrasyon ay maaaring makatulong sa atin na makita kung papaanong kumakapit ang leksiyon sa ating buhay.
4 Ang bilang ng dumadalo sa ilang mga Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ay may kababaan. Kayo ba ay dumadalo nang palagian? Ang kaayusan para sa pag-aaral ng aklat ay isa sa mga paraan ng pagpapamalas ni Jehova ng kaniyang pagmamalasakit sa atin. (1 Ped. 5:7) Nais niyang sumulong tayo sa karunungan upang tayo’y lumakas sa espirituwal. Sa kabilang panig, nais ni Satanas na pabagalin ang ating espirituwal na paglaki upang hindi tayo gaanong pakinabangan ni Jehova at ng Kaniyang organisasyon. Huwag pahintulutang mangyari ito! Hayaang ang madamdamin, maibiging atmospera ng malapit na pagsasamahan sa grupong ito ay sumaling sa inyong puso at magpakilos sa inyo na patuloy na purihin si Jehova.—Ihambing ang Awit 111:1.
5 Sa karamihan sa mga dako ng pag-aaral sa aklat ay may isinasaayos na pagtitipon bago maglingkod. Titiyakin ng konduktor ng pag-aaral sa aklat na sapat ang taglay na teritoryo at na may mangunguna sa larangan. Ang mga pagtitipon bago maglingkod sa larangan ay hindi dapat lumampas sa 10-15 mga minuto. Maaaring isaalang-alang ng konduktor ang pang-araw-araw na teksto kung ito’y kaugnay sa ating gawaing pangangaral at magbigay ng isa o dalawang mungkahi sa paglilingkod sa larangan o magharap ng isang maikling demonstrasyon sa kasalukuyang alok.
6 Sinisikap ng konduktor na gumawa kasama ng bawat isa sa kaniyang grupo, na nagbibigay ng pampatibay-loob at pagsasanay.—Ihambing ang Marcos 3:14; Lucas 8:1.