Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/86 p. 1-4
  • Pagpapasulong sa Uri ng Ating mga Pulong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapasulong sa Uri ng Ating mga Pulong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Paano Magtatamo Nang Higit na Kagalakan Mula sa mga Pulong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Nakapagpapatibay Ka ba sa mga Pulong?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Pagpapamalas ng Espirituwal na Paglaki sa Pamamagitan ng Pakikibahagi sa mga Pulong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • Mga Pamilya, Purihin ang Diyos Bilang Bahagi ng Kaniyang Kongregasyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
km 7/86 p. 1-4

Pagpapasulong sa Uri ng Ating mga Pulong

1 Ang isyu ng Disyembre, 1985 ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay nagtampok ng artikulong “Pagpapamalas ng Espirituwal na Paglaki sa Pamamagitan ng Pakikibahagi sa mga Pulong.” Sinunod ba ninyo ang mga mungkahing ibinigay doon? Kung gayon, ang inyong mga komento sa mga pulong marahil ay higit na nasa punto at higit na kapakipakinabang sa inyo at sa iba. Sa pagkakataong ito, nais nating talakayin ang tungkol sa pagpapasulong sa uri ng ating mga pulong at ipakita ang mga kapakinabangang matatamo natin sa personal na paghahanda.

2 Ipaghalimbawa natin ito sa ganitong paraan. Kung kayo ay nagpaplanong bumisita sa mga lupain ng Bibliya, ang inyong pananabik ay higit na lalaki kung pag-aaralan muna ninyo ang impormasyon tungkol sa mga lupaing iyon at ang kanilang kasaysayan gaya ng sinasabi sa Bibliya at sa mga reperensiya gaya ng aklat na Aid. Kung hindi kayo gagawa ng patiunang paghahanda, hindi kayo masyadong nananabik makita ang mga espesipikong lugar na nagtataglay ng kahalagahan. Totoo rin ito tungkol sa pagdalo sa mga pulong ng kongregasyon. Sa pamamagitan ng pagrerepaso sa mga bagay na tatalakayin sa mga pulong, nagkakaroon tayo ng gana sa espirituwal at higit tayong nananabik na magkaroon ng bahagi sa pamamagitan ng pagkokomento sa mga pulong.

3 Lalong lumalaki ang pangangailangan natin sa panahon sa paglipas ng bawa’t taon. Papaano tayo nakakasumpong ng panahon sa personal na pag-aaral? Dapat nating kunin ang panahon mula sa hindi mahahalagang gawain. (Efe. 5:16) Sa kasalukuyan ang karamihan sa mga Saksi ni Jehova ay dumadalo sa lahat ng limang pagpupulong linggu-linggo at sa karamihan ito ay humihiling ng pagsisikap at pagsasakripisyo upang makadalo lamang. Subali’t upang higit na makinabang sa panahon at pagsisikap na ginagamit sa pagtungo sa mga pulong, kailangan nating gumamit ng ilang panahon sa patiunang paghahanda.

4 Kapag nagkokomento, maging tumpak, maikli at maliwanag. Ang patiunang paghahanda ay makatutulong. Kapag natanggap ang isang bagong isyu ng Ang Bantayan, basahin iyon nang lubusan. Pagkatapos, kapag naghahanda para sa Pag-aaral ng Bantayan, salungguhitan ang mga susing salita at parirala lamang. Magpapangyari itong makapagbigay tayo ng komento na maikli at nasa punto.

5 Kapag marami ang nagkokomento, ito ay lumilikha ng higit na kasiglahan sa mga pulong. Magpapasigla ito sa mga mahiyain na makibahagi din. Kapag ikinapit natin ang mga mungkahing ito, lalaki ang ating kagalakan habang gumagawa tayo ng “pangmadlang kapahayagan” ng ating pananampalataya.—Heb. 10:23.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share