Tanong
● Kailan maaaring tumanggap ang isang tao ng kaniyang sariling kopya ng Organisado Upang Ganapin ang Ating Ministeryo, at papaano at kailan isasaayos ng mga matatanda na repasuhin ang mga katanungan para doon sa nagnanais na magpabautismo?
Sa pahina 173-5 ng aklat na Ating Ministeryo, sa ilalim ng “Pahiwatig sa Matatanda sa Kongregasyon,” doon ay ipinaliwanag na kapag iniayon ng isang tao ang kaniyang buhay sa matutuwid na pamantayan ni Jehova, regular na dumadalo sa pulong, at may makabuluhang bahagi sa paglilingkod sa larangan bilang isang sinang-ayunang kasama, maaari niyang ipahayag sa isa sa matatanda ang kaniyang pagnanais na mabautismuhan at sa pagkakataong iyon ay tatanggap ng personal na kopya ng Organisado Upang Ganapin ang Ating Ministeryo. Tingnan din ang mga pahina 97-100 tungkol sa “karapatdapat na kasama.”
Sa pagtanggap ng aklat, ang karapatdapat na kasama ay dapat na magpasimulang magrepaso sa mga katanungan para sa mga kandidato sa bautismo pasimula sa pahina 175. Dapat niyang pagsikapang unawain ang pagkakapit ng mga sinipi at binanggit na kasulatan. Pagkatapos niyang makubrehan ang itinakdang impormasyon, ang ilang matatanda ay magrerepaso sa kaniya ng mga katanungan at kasagutan. Ang punong tagapangasiwa ang magsasaayos nito.
Ang paghahanda para sa bautismo ay hindi dapat madaliin. Hindi kailangan para sa mga matatanda na hintayin pa ang anunsiyo tungkol sa asamblea bago talakayin ang mga katanungan sa naghahanda para sa bautismo. Ang mga nangangasiwa ng pag-aaral sa Bibliya ay dapat na maging alisto sa espirituwal na pagsulong ng kanilang mga estudiyante, na nauunawaan kung sila’y nalalapit na sa pag-aalay, at ipabatid sa kanila ang tungkol sa mga kaayusan para sa bautismo.
Ang mga matatanda na nagrerepaso sa tao na nagnanais na magpabautismo ay magpapasiya kung kakailanganin pa para sa kaniya na gumawa ng karagdagang espirituwal na pagsulong bago kumuha ng mahalagang hakbanging ito. Maaaring kailangan pa niya ang higit na kaalaman o karagdagang karanasan sa larangan o marahil siya ay hindi pa talagang kuwalipikado sa bautismo. Sa bawa’t kaso, isaayos kung ano ang kailangan para sa personal na pagtulong upang ang taong iyon ay maging kuwalipikado sa hinaharap.