Teokratikong mga Balita
◆ Ang Netherlands ay nag-ulat ng 781 mga auxiliary payunir sa isang buwan kamakailan, 27-porsiyentong pagsulong kaysa noong nakaraang taon ng buwan ding iyon. Ang mga regular payunir ay sumulong ng 20 porsiyento, na may 968.
◆ Ang Reunion ay nagkaroon ng 23-porsiyentong pagsulong taglay ang isang bagong peak na 1,151 mga mamamahayag.
◆ Ang Timog Aprika, sa kabila ng mga suliranin, ay nag-ulat ng isang bagong peak na 39,259 mga mamamahayag. Sila ay nakaabot sa kanilang ikasampung sunod-sunod na peak sa regular payunir na ang nag-ulat ay 2,843 mga payunir.
◆ Ang Espanya ay nagkaroon ng peak sa lahat ng panahon na 65,334 na mga mamamahayag. Sila ngayon ay mayroong 934 na mga kongregasyon sa buong bansa.
◆ Ang Taiwan ay nagkaroon ng pinakamabuting ulat sa sampung taon nang 1,181 mga mamamahayag ang nag-ulat. Sila ay nagdaos ng isang bagong peak na 1,557 mga pag-aaral. Ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay nagkaroon ng aberids na 10.5 bawa’t isa, ang pinakamabuti kailanman sa Taiwan.
◆ Sa Kongregasyon ng Centro, Kitaotao, Bukidnon, ang lahat ng 21 mga mamamahayag sa kongregasyon ay nagtamasa ng paglilingkod bilang payunir sa nakaraang anim na buwan.