Itampok Ang Bantayan sa Abril
1 Nang unang lumabas Ang Bantayan noong Hulyo, 1879, may 6,000 kopya lamang ang iniimprenta minsan isang buwan sa iisa lamang wika. Ngayon, makaraan ang halos 109 na mga taon, mahigit sa 13 milyong kopya bawa’t isyu ang iniimprenta sa 103 mga wika, at ang karamihan dito ay makalawa isang buwan. Ang gayong pagsulong ay patotoo ng pagsang-ayon ni Jehova sa kasangkapang ito na ginagamit niya upang ipahayag ang katotohanan tungkol sa kaniyang Kaharian.
2 Kayo man ay nagbabasa ng Ang Bantayan sa maikling panahon o sa marami nang mga taon, natitiyak naming pinahahalagahan ninyo ang tinatanggap na mga espirituwal na kapakinabangan. Ang Bantayan ay nagpapatibay sa inyong pagtitiwala sa Kaharian ng Diyos bilang siya lamang paraan ng pagdadala ng kapayapaan sa lupa. Ginigising nito kayo sa mga panganib ng maselang na mga panahong ito. (2 Tim. 3:1-5) Ito ay nakatulong sa inyo na tumanggap ng “kaaliwan mula sa mga Kasulatan” at maaasahang patnubay mula sa Salita ng Diyos. (Roma 15:4; Awit 119:105) Habang binubulay-bulay ang mga kapakinabangang ito, hindi ba kayo napakikilos na sabihin sa iba ang kahalagahan ng Ang Bantayan? Sa Abril, ang isang taóng suskripsiyon ay iaalok sa ₱60.00 lamang.
MAGING POSITIBO SA INYONG PANGMALAS
3 Ang karunungan ng Diyos at hindi ang pangangatuwiran ng tao ang idiniriin sa Ang Bantayan. Ang gayong karunungan ay maaaring makatulong sa buhay at mapasulong ang wastong mga motibo. Ito’y mahalaga upang “manatiling nabubuhay.” (Kaw. 9:1-6) Kaya maaari nating maialok ang suskripsiyon taglay ang positibong saloobin. Maingat na tingnan ang bawa’t isyu upang humanap ng mga salitang makatutulong sa mga maybahay. Ito’y makatutulong sa inyo upang maging positibo sa paghaharap nito.
4 Ang gugol sa Ang Bantayan ay maliit lamang kung ihahambing sa kapakinabangang matatamo ng mambabasa. Kaya may pagtitiwalang iharap ang suskripsiyon sa bawa’t pagkakataon. Maaaring naisin ng ilan na ialok ang Gumising! kasama ng Ang Bantayan sa ₱120.00, na mas maliit ang halagang ito kung ihahambing sa maraming makasanlibutang mga publikasyon.
ANG BANTAYAN AY TUMUTULONG SA PAGGAWA NG MGA ALAGAD
5 Maging determinado na subaybayan ang lahat ng mga nailagay na magasin at sikaping mapasulong pa ang ipinakitang interes. Ang ilang kapatid ay nagtatatag ng mga ruta ng magasin doon sa mga kumukuha ng isahang kopya ng mga magasin. Kapag ang isang tao ay bumasa ng isang kopya ng magasin, siya ay maaaring maging interesado. Kaya dumalaw-muli at iharap ang sumunod na isyu, na itinatampok ang isang espesipikong artikulo na tatawag ng interes. Pagkatapos na makabasa ng ilang isyu, maaaring siya’y magnais na sumuskribe.
6 Ang pagtatampok sa Ang Bantayan sa Abril ay dapat na magdulot sa atin ng kasiyahan. Yamang tayo mismo ay nakinabang, may pagtitiwala tayong makapaghaharap nito sa iba anupa’t matutulungan silang manindigan sa panig ni Jehova.