Tiyakin ang Higit na Mahahalagang mga Bagay
1 Ang insert sa Marso, 1987 ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay nagpatalastas sa mga kaayusan para sa isang pantanging araw ng asamblea sa bawa’t sirkito pasimula sa 1988. Pasisimulan natin ang kaayusang ito sa Marso, 1988 sa Pilipinas. Sa ilang kaso maaaring posible para sa isang tagapagsalita mula sa Bethel na makibahagi sa programa kasama ng tagapangasiwa ng sirkito at iba pang matatanda sa sirkito. Ang mga kaayusan ay isasagawa din para sa bautismo.
2 Ang tema ng unang programa para sa pantanging araw ng asamblea ay “Tiyakin ang Higit na Mahahalagang mga Bagay.” (Fil. 1:9, 10) Ang mga nagnanais na tamasahin ang pagliligtas na ipinangako ni Jesus ay dapat na kumilos nang may katalinuhan at walang pag-aatubili. (Luk. 21:28) Sila’y nangangailangan ng tulong upang masagot ang kanilang mga katanungan at magkaroon ng matibay na paninindigan sa katotohanan. Ang praktikal na impormasyon ay ibibigay kung papaano aakayin ang mga baguhan sa organisasyon.
3 Bilang karagdagan sa pagtulong sa iba pa na lumaki sa espirituwal, ang bawa’t isa sa atin ay nangangailangang gumawa din ng patuloy na pagsulong sa espirituwal. Ang programa ay nagbibigay ng pansin sa maselang na bagay na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga nakatutulong na mungkahi upang ipakita lamang kung ano ang magagawa kapag nagsasaliksik sa malalalim na bagay ng Salita ng Diyos.—1 Cor. 2:10.
4 Ang isang bahagi ng programa ay magbibigay ng kapanipaniwalang katunayan ng ating pagiging kuwalipikadong maglingkod bilang mga ministro ng Diyos. Sa pangwakas na bahagi, kayo ay makakarinig ng mga karanasan at ulat na nagpapakita na ang organisasyon ni Jehova ay sumusulong, at kayo ay mapasisiglang umalinsabay dito.
5 Ipababatid sa inyo ng inyong tagapangasiwa ng sirkito kung anong kaayusan ang nagawa na para sa pantanging asamblea sa inyong sirkito. Tiyaking kayo ay naroroon sa buong araw ng programa.