Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea
“Patuloy na Ingatan ang Utos ng Diyos at Mabuhay” ang tema ng dalawang-araw na programa ng pansirkitong asamblea na magsisimula sa Pebrero. (Kaw. 4:4) Idiriin nito kung bakit ang pagsunod sa utos ng Diyos ay hindi mabigat. Karagdagan pa, ipakikita nito kung paanong ang paggawa ng kalooban ng Diyos ay magdudulot ng kaginhawahan at tunay na kaligayahan at pag-asa para sa hinaharap.—Mat. 11:28-30; Juan 13:17.
Yaong mga nagnanais na magpabautismo sa asamblea dahil sa pagsunod sa utos ni Kristo ay dapat na makipag-usap sa punong tagapangasiwa, at siya’y gagawa ng kinakailangang mga kaayusan.—Mat. 28:19, 20.
Isang simposyum ang magpapaliwanag ng praktikal na mga paraan kung paano tayo makapagpapakita ng pag-ibig sa Diyos at sa ating mga kapatid. (Juan 13:34, 35; 1 Juan 5:3) Ang nakapupukaw-sa-pusong payo mula sa Awit 19 at 119 ay ilalakip sa programa. Bagaman ang kinasihang payo sa mga awit na ito ay isinulat libu-libong taon na ang nakararaan, makikita natin kung paanong ito ay personal na kapaki-pakinabang sa atin sa ngayon.
Ang pahayag pangmadlang ibibigay ng tagapangasiwa ng distrito ay pinamagatang “Matakot sa Diyos at Sumunod sa Kaniyang mga Utos.” (Ecles. 12:13) Ang pangwakas na pahayag ng tagapangasiwa ng sirkito ay magpapakita kung paano tatamuhin ng mga kabataan sa ngayon ang pinakamabuti sa buhay at kung bakit makapagtitiwala sila sa walang hanggang kinabukasan. Tatapusin ng tagapangasiwa ng distrito ang programa sa pamamagitan nang isa-isang pagbanggit sa maraming kapakinabangang nagmumula sa pamumuhay sa “makaharing batas” ng pag-ibig. (Sant. 2:8) Tunay, ito’y isang programa ng asamblea na hindi nanaising malibanan ng sinuman!