Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/88 p. 1-4
  • Ipangaral ang Kalayaan sa mga Bihag

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipangaral ang Kalayaan sa mga Bihag
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • PAGGIBA SA “MGA BAGAY NA NAKUKUTAANG MATIBAY”
  • ABUTIN ANG LAHAT TAGLAY ANG AKLAT NA CREATION
  • Tulungan ang Iba na Magpahalaga sa Ating Dakilang Maylikha
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Aklat na Creation
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Purihin ang Diyos ng Paglalang
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Pagtulong sa Iba na Parangalan ang Ating Maylikha
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
km 9/88 p. 1-4

Ipangaral ang Kalayaan sa mga Bihag

1 Isang taong may kabatiran sa siyensiya na nakabasa ng Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? ang nagsabi: “Ako ay nagulat sa kaliwanagan at kapangyarihan ng bagong aklat na ito. Sa palagay ko’y ito na ang pinakamainam na aklat sa siyensiya na nabasa ko na nagpapatibay ng pagpapahalaga sa buhay. Ito’y napakasalimuot kung tungkol sa siyensiya, subali’t nasa antas na maaaring mapahalagahan ng sinuman.” Ganito rin ba ang nadarama ninyo?

2 Si Satanas ay gumagamit ng maraming pamamaraan at “mga turo ng mga demonyo” upang bulagin ang isipan ng mga tao. (1 Tim. 4:1; 2 Cor. 4:4) Ang isa sa gayong mga turo ay ang ebolusyon, at ang aklat na Creation ay tutulong sa atin na “ipangaral ang kalayaan” sa mga nabihag ng teoryang ito. (Luc. 4:18) Sa Setyembre ay ating iaalok ang aklat na Creation nang lubusan sa ating ministeryo.

PAGGIBA SA “MGA BAGAY NA NAKUKUTAANG MATIBAY”

3 Ang teorya ng ebolusyon ay isa sa “mga bagay na nakukutaang matibay,” oo “bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Diyos.” (2 Cor. 10:4, 5) Subali’t si Jehova ay naglaan sa atin ng makapangyarihang mga sandatang espirituwal upang gibain ang gayong mga pangangatuwiran. Pagkatapos mabasa ang aklat na Creation, isang propesor ng kolehiyo na nagsasabing siya’y isang ateista ay umamin: “Ako’y hindi nakakita kailanman ng gayong napakabuting paghaharap ng katuwiran para sa paglalang.” Tinanggap ng ilang mga guro at estudiyante sa kolehiyo ang aklat na Creation bagaman tinatanggihan nila ang iba pa nating publikasyon. Bakit hindi pagsikapang maabot ang gayong mga tao sa inyong teritoryo sa pamamagitan ng alok na ito?

ABUTIN ANG LAHAT TAGLAY ANG AKLAT NA CREATION

4 Kayo bang mga mamamahayag na estudiyante ay nakapag-alok na ng aklat na Creation sa inyong mga guro at kamag-aral? Bakit hindi gawin ito sa Setyembre? Pagkatapos basahin ang aklat, isang guro sa paaralan ang nagsabi: “Hindi na kailangang pag-usapan pa ang ebolusyon. Nabasa ko na ang aklat na Creation at ngayon ay maliwanag na ang lahat. Sa wakas ay nasumpungan ko na ang mga kasagutang aking hinahanap.”

5 Inialok na ba ninyo ang aklat na Creation sa inyong mga estudiyante sa Bibliya? Isang babae ang sumulat: “Ako kamakailan ay nagpasimulang makipag-aral sa mga Saksi. Kailangang sabihin ko sa inyo kung gaano ako natawagang-pansin ng inyong publikasyong Life—How Did It Get Here?” Idinagdag pa niya: “Ang napakalalim na paksang ito ay nagawa ninyong napakaganda’t simpleng unawain—isang kahanga-hangang gawa, kung isasaalang-alang ang napakadalubhasang pagsasaliksik na isinagawa sa aklat na ito.”

6 Ang aklat na Creation ay kaangkop ng ating Paksang Mapag-uusapan na “Ang Pamahalaan na Magdadala ng Paraiso.” Pagkatapos basahin ang Isaias 11:6-9, maaari kayong bumaling sa pahina 243 at ipakita ang ilustrasyon ng isang batang nakikipaglaro sa tigre. Maibibigay ninyo ang ideya kung ano ang paraiso sa pamamagitan ng pagbasa lamang nang malakas sa sub-titulo ng kabanata 19 ng aklat. Ipakita na walang iniaalok na pag-asa ang teorya ng ebolusyon sa kabila ng kasalukuyang buhay, samantalang ang Bibliya ay may pangakong buhay na walang hanggan sa paraiso.

7 Tulungan nating makalaya ang mga nabibihag ng mga huwad na turo sa pamamagitan ng paggamit sa aklat na Creation sa Setyembre.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share