Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/88 p. 1-4
  • Pagpapatotoo Bilang Isang Pamilya sa Disyembre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapatotoo Bilang Isang Pamilya sa Disyembre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • GUMAWA NG TIYAK NA MGA PLANO
  • Patiunang Pagpaplano Para sa Disyembre
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Maging Isang Auxiliary Payunir sa Disyembre
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Magagawa Ba Natin Uli Iyon?—Panibagong Panawagan Para sa mga Auxiliary Pioneer
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Ano ang Inyong mga Plano Para sa Abril?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
km 12/88 p. 1-4

Pagpapatotoo Bilang Isang Pamilya sa Disyembre

1 “Ang bayan mo’y naghahandog na kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan.” Ang mga salitang ito sa Awit 110:3 ay may mabuting paglalarawan sa aktibong organisasyon ni Jehova ngayon samantalang ang mga lalake, babae, at mga bata ay masigasig na nakikibahagi sa paghahayag ng mabuting balita ng Kaharian. Sa buwan ng Disyembre, maraming miyembro ng pamilya ang magkakaroon ng napakainam na pagkakataon na mapalawak ang kanilang ‘kusang-loob na paglilingkod’ sa pamamagitan ng pagpapalaki sa kanilang bahagi sa ministeryo sa larangan. Kung ating ‘sasamantalahin ang panahon,’ kakailanganing tayo’y gumawa ng tiyak na mga plano at maingat na mag-eskedyul ng ating panahon nang patiuna.—Col. 4:5; 1 Cor. 9:26.

2 Bakit hindi gawing isang proyekto ng pamilya ang pagpapatotoo? Maupong magkakasama at tiyakin ang mga posibilidad para sa mas malaking paglilingkod sa larangan sa Disyembre. Kapag ang lahat ng miyembro ay gumawa ng kanilang pagpapahayag, kayo ay mamamangha sa kabutihang maaaring idulot nito.—Kaw. 11:14; 15:22.

3 Maraming mga kabataan na walang pasok sa paaralan ang maaaring lubusang magsamantala sa panahon upang makibahagi sa paglilingkod sa larangan sa panahon ng makasanlibutang pista opisyal. Maaari bang sumama ang mga estudiyante sa maraming iba pang kabataan upang maging mga auxiliary payunir sa Disyembre? Maaaring masumpungan ng mga ina na ang Disyembre ay nagbibigay ng isang mabuting pagkakataon para maglaan ng higit na panahon sa paglilingkod sa larangan kasama ng kanilang mga anak. Maaari ba kayong mga ama at ina ay mag-auxiliary payunir kasama ng inyong mga anak? O, sa paggawa ng buong pamilya na magkakasama, maaari bang tulungan ninyo ang kahit na isa o higit pa sa miyembro ng pamilya upang mag-auxiliary payunir? Ito’y nakapagpapatibay at nagbubuklod sa inyong buong pamilya!

GUMAWA NG TIYAK NA MGA PLANO

4 Pagkatapos na maingat na isaalang-alang ang mga posibilidad para sa pagpapasulong ng inyong paglilingkod bilang isang pamilya, kakailanganin ninyong gumawa ng tiyak na mga plano at pagsikapang isagawa iyon. Isulat ang mga tunguhin ng bawa’t miyembro ng pamilya at pang-araw-araw na eskedyul ng bawa’t isa. Marahil ay isusulat ninyo ito sa teokratikong kalendaryo ng inyong pamilya. Tandaan, kung hindi ninyo gagawin ang eskedyul para dito, lilipas ang panahon na hindi ninyo naaabot ang inyong tunguhin.

5 Sabihin pa, nanaisin ng tagapangasiwa sa paglilingkod ng kongregasyon na gumawa ng mga plano ngayon para sa pantanging pagpapatotoo nang samasama sa unang bahagi ng buwan. Ingatan sa isipan na ang huling bahagi ng Disyembre ay panahon ng kombensiyon. Ang mga kaayusan para sa paglilingkod sa larangan ay maaaring gawin sa umaga, hapon at sa gabi.

6 Ipinakikita ng karanasan na ang Disyembre ay isang mabungang buwan para sa pangangaral ng mabuting balita. Kadalasan, ang mga tao ay nasa bahay, at panatag ang kanilang kaisipan. Yaong mga relihiyoso ay kadalasang nagnanais na makipag-usap sa espirituwal na mga bagay. Nanaisin natin na lubusang samantalahin ang mga pagkakataong ito sa pangangaral ng mabuting balita at ‘kusang ihandog ang ating sarili’ bilang isang pamilya ‘sa kaarawan ng kapangyarihan ni Jehova.’

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share