Ano ang Inyong mga Plano Para sa Abril?
1 Ang buwan ng Abril ay pagpapasimula ng lalong malaking gawain sa larangan para sa marami sa atin. Karaniwan nang mabuti ang panahon at nagbabakasyon ang mga nasa paaralan, kaya ang Abril ay napatunayang isang mabuting panahon para sa paglalagay ng mga personal na tunguhin ukol sa lalong malalaking gawain sa ministeryo.
2 Anong mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan ang isinaayos ng inyong kongregasyon para sa Abril? Magkakaroon ba ng karagdagang mga pagtitipon para sa paglilingkod sa larangan, lakip na ang pagpapatotoo sa gabi? Mababago ba ninyo ang inyong eskedyul upang samantalahin ang mga kaayusang ito at gumawa kasama ng iba sa paglilingkod sa larangan? Maaari ba ninyong pabayaan muna ang iba pang gawain na hindi naman gaanong mahalaga?
3 Bukod pa sa pagdalaw doon sa mga dumalo sa Memoryal, ang Abril ay isa rin namang mabuting panahon para hanapin ang mga dating interesado na naging masyadong abala sa mga nakaraang araw. Bagaman nakagawa na kayo ng ilang pagsisikap na makapagbigay ng karagdagang patotoo, bakit hindi repasuhin ang inyong rekord at dalawin silang muli upang mapaningas ang kanilang interes? Marahil ang pagdalaw sa gabi ay magiging mabunga.
4 Marami ang nakapagsaayos na mag-auxiliary payunir sa Abril. Kasali na rito ang ilan na may pampamilyang pananagutan at maging ang ilan na nagtatrabaho ng buong panahon. Ang kahilingang 60 oras ay nangangahulugang may aberids na 2 oras lamang bawa’t araw sa loob ng isang buwan. Maaari ba kayong sumama sa kanila sa Abril? May panahon pa upang gawin ang inyong aplikasyon.
5 Kung hindi ipinahihintulot ng inyong kalagayan na mag-auxiliary payunir sa Abril, maaari namang posible para sa inyo na dagdagan ang gawain sa paglilingkod sa larangan sa pamamagitan ng paggamit ng panahon sa larangan kasama ng mga payunir o ng iba pa na nagnanais na mapasulong ang kanilang ministeryo sa buwang iyon. Makatitiyak kayo na pagpapalain ni Jehova ang inyong pagsisikap. Sa pamamagitan ng kaniyang espiritu kayo’y pagkakalooban niya ng lakas upang maabot ang inyong tunguhin.—Kaw. 20:18; 21:5a.