Ang Abril Ba ay Magiging Isang Pantanging Buwan Para sa Inyo?
1 Kadalasang tinutukoy natin ang mga buwan ng Marso at Abril na panahon ng Memoryal. Yamang ang pagdiriwang ng Memoryal ay laging nagaganap sa ganitong mga panahon, ang bayan ni Jehova ay napakikilos upang pasulungin ang kanilang pakikibahagi sa ministeryo sa larangan bilang mga auxiliary payunir. At ang karamihan sa nakabahagi sa paglilingkod bilang auxiliary payunir sa Marso at Abril ay naitutuloy ito sa Mayo, lalo na’t ito’y buwan ng bakasyon sa paaralan.
2 Bakit hindi dumalo sa pulong ng mga maaaring magpayunir sa Pebrero 14 sa inyong kongregasyon? Ito’y magpapasigla sa inyo na taimtim na isaalang-alang ito, lalo na kapag nakita ninyo ang marami pang iba na nagpaplanong mag-auxiliary payunir. Kung may plano kayong makibahagi sa Marso, kung gayon dapat ninyong ipasok karakaraka ang inyong aplikasyon pagkatapos ng pulong na ito.
3 Kahit na yaong hindi makapagpayunir ay maaaring gawin ang Marso at Abril na mga pantanging buwan sa pamamagitan ng pagpapasulong sa kanilang ministeryo sa larangan. Tunay na marami pa ang kanilang magagawa. Marahil ang mga mamamahayag ng kongregasyon at mga payunir ay makapag-aanyaya sa mga baguhang di bautisadong mamamahayag na gumawang kasama nila sa larangan. Karagdagang pagsisikap ang kailangang gawin upang anyayahan ang lahat ng mga taong interesado sa Memoryal sa Abril 6.
4 Nang nakaraang taon tayo ay nagkaroon ng 7,554 na mga auxiliary payunir noong Marso, 17,009 noong Abril, at 10,950 noong Mayo. Maraming mga bagong pag-aaral sa Bibliya ang napasimulan bilang resulta ng pinalawak na gawaing ito. Taglay ang pagpapala ni Jehova sa inyong higit na pagsisikap sa taóng ito, marahil kayo rin ay makapagsisimula ng isang bagong pag-aaral sa Bibliya anupat ang Abril ay magiging isa talagang pantanging buwan para sa inyo.—Awit 34:8; Kaw. 10:22.