Patiunang Pagpaplano Para sa Disyembre
1 Bago aktuwal na gumawa ukol sa isang tunguhin, dapat tayong gumawa ng mga plano. Halimbawa, nais nating magbakasyon at dumalo sa isang kombensiyon. Ito ay maaaring magsangkot ng patiunang pagpaplano upang mag-ipon ng pundo, kumuha ng tuluyan, at iba pa. Ang lahat ng mga planong ito ay kailangan upang tamuhin natin ang ating tunguhin.—Kaw. 21:5.
2 Sa ganito ring paraan, ang pagpaplano ay kailangan upang tayo ay maging matagumpay sa pakikibahagi sa paglilingkuran bilang auxiliary payunir. Sampu-sampung libo ng ating mga kapatid na lalake at babae sa buong daigdig ang pumapasok sa larangang ito ng paglilingkod nang palagian at nagtatamasa ng maraming personal na kapakinabangan. Ang sumusunod na mungkahi ay makatutulong sa inyo na makagawa ng mga plano upang magkaroon ng bahagi sa paglilngkuran bilang auxiliary payunir, marahil sa pagpapasimula pa lamang ng susunod na buwan.
3 Pumili ng kombeniyenteng panahon upang magamit ninyo ang pinakamalaking panahon sa paglilingkod sa larangan at ng maabot ang tunguhing 60 oras. Ito’y maaaring sumaklaw sa paggamit ng ilang panahon ng bakasyong taglay ninyo. Ang mga kabataang nasa paaralan ay maaaring gumamit ng panahon ng bakasyon sa pag-aauxiliary payunir.
4 Ang mga buwang may limang dulong sanlinggo ay kadalasang naglalaan ng higit na panahon para sa ministeryo sa larangan. Pansinin na ang Disyembre ay may limang dulong sanlinggo. Kausapin ang iba na maaaring gumawang kasama ninyo bilang payunir o mamamahayag.—Kaw. 20:18.
5 Gumawa ng isang praktikal na eskedyul upang magamit ninyo nang may katalinuhan ang inyong panahon. Gumawa ng mga plano upang magamit ang malaking panahon sa gawain sa bahay-bahay. Isaalang-alang ang pagpapatotoo sa gabi kung ito’y posible, at makipagtulungan sa kaayusan ng kongregasyon para sa gawain sa larangan sa simpleng araw o sa mga dulong sanlinggo. Ang inyong pagtangkilik at paggawang kasama ng ibang mga kapatid na lalake at babae ay nakapagpapatibay sa isa’t isa. Patuloy na ipanalangin ang bagay na ito kay Jehova. (Col. 4:2) Hilingin ang kaniyang patnubay habang kayo’y nagpaplano na magkaroon ng bahagi sa gawaing auxiliary payunir.
6 Marami ang unang nakatikim sa buong panahong paglilingkod bilang mga auxiliary payunir, at ito’y nagpasigla sa kanila na maging mga regular payunir. Ang bawa’t araw ay nagdadala sa atin papalapit sa katuparan ng dakilang mga pangako ni Jehova. Anong pagpapala ito para doon sa mga nakapagtamasa na ng ilang anyo ng buong-panahong paglilingkod! Magplano nang patiuna para dito, at pagpalain nawa ni Jehova ang inyong mga pagsisikap.