Tanong
● Dapat bang kumuha ang mga payunir ng literatura ukol sa miyembro ng pamilya sa halaga para sa payunir?
Makabubuting ingatan sa isipan kung bakit isinaayos ng Samahan na makakuha ang mga payunir ng literatura sa mababang halaga. Ito ay isang maibiging paglalaan ng Samahan, sa sariling gastos nito, upang matulungan ang mga payunir na mabayaran ang ilan sa kanilang gastos.
Kaya, ang lahat ng mga mamamahayag na kabilang sa sambahayan ng payunir na hindi naman payunir, maging bata o matanda, ay dapat na kumuha ng kanilang literatura at magasin para sa paglilingkod sa larangan sa regular na halaga.