Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/88 p. 1
  • Maging Masikap Para sa Dalisay na Pagsamba

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Masikap Para sa Dalisay na Pagsamba
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • SA MINISTERYO SA LARANGAN
  • Itampok Ang Bantayan sa Abril
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Maging Masigasig sa Pagpapalaganap sa Balita ng Kaharian
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Pagpapanatili ng Kagalakan sa Ating Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Parangalan si Jesu-Kristo—Ang Saligan ng Ating Pananampalataya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
km 6/88 p. 1

Maging Masikap Para sa Dalisay na Pagsamba

1 Si Jehova ay isang masikap na Diyos. (Isa. 9:7; 59:17) Inaasahan na ang lahat ng mga umiibig kay Jehova ay dapat na patunayang ang sarili’y masikap sa pagsamba sa kaniya. Kagaya ni Jesus, sila ay nagpapamalas ng tunay na pagkabahala sa kaluwalhatian ni Jehova at sa espirituwal na kapakanan ng sangkatauhan.—Awit 69:9; Juan 2:17.

2 Sa pamamagitan ng organisasyon ni Jehova tayo ay tumatanggap ng patuloy na paalaalang makatutulong sa atin na maging masikap sa ating paglilingkod kay Jehova. Sa pamamagitan ng pakikinig sa mga paalaalang ito, hindi tayo magiging matamlay sa ating pagsamba. (Awit 119:113) Tutularan natin ang mga masisikap na tao kagaya nina Jehu at apostol Pablo, at iba pang mga tapat na lingkod ng Diyos.—2 Hari 10:16; 1 Cor. 14:12.

SA MINISTERYO SA LARANGAN

3 Sa buwan ng Hunyo, mayroon tayong mainam na mga pagkakataon na ipamalas ang ating sikap habang tayo ay nakikibahagi sa ministeryo sa larangan. Nanaisin nating gamitin ang kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan na, “Ang Bibliya’y Kapakipakinabang sa Buhay Pampamilya” kasama ng iminungkahing alok, ang aklat na Kaligayahan—Papaano Masusumpungan. Papaano maisasagawa ito?

4 Pagkatapos na ipakilala ang sarili, maaari kayong magtanong: “Napapansin ba ninyo na maraming pamilya ang nahihirapan sa mga kagipitan sa buhay sa ngayon at dahilan dito ay maraming pamilya ang nawawalan ng kaligayahan? [Hayaang sumagot.] Bagaman ang ilan ay waring nasa mabuting kalagayan, marami ang nakakaranas ng malulubhang suliranin mula sa suliranin sa pananalapi tungo sa kawalan ng pagtitiwala at pagkawasak ng pag-aasawa at pamilya. Sa palagay kaya ninyo’y saan maaaring bumaling ang mga nababahalang miyembro ng pamilya ukol sa mapagtitiwalaang payo? [Hayaang sumagot.] Ang Diyos, na siyang may-akda ng pag-aasawa, ay nagbibigay sa atin ng pinakamabuting payo hinggil sa buhay pampamilya. Pansinin kung ano ang sinasabi ng Genesis 1:27, 28 hinggil sa layunin ng Diyos para sa pamilya ng sangkatauhan. [Basahin.] Ang Diyos ang isa na nakakaalam kung ano ang kinakailangan ng pamilya upang tamuhin ang tunay na kaligayahan. Pakikinabangan nating lahat ang sumusunod na mga tagubilin ng Diyos hinggil sa buhay pampamilya. [Basahin ang Isaias 48:17, 18.] Ang aklat na ito na Kaligayahan—Papaano Masusumpungan ay inilathala sa layuning akayin ang ating pansin sa mga simulain ng Bibliya na kapakipakinabang sa buhay pampamilya.” Kaya, pagkatapos na itawag-pansin ang mga espesipikong punto sa mga kabanata singko hanggang diyes ng aklat na Kaligayahan, ialok ito sa maybahay. Ang alok na maaaring ihalili na aklat na Survival Into a New Earth ay puwede ring iharap nang mabisa may kaugnayan sa kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan sa pamamagitan ng pagpapakitang ang kaligtasan ay lubhang ikinababahala ng maraming pamilya sa ating panahon. Ang kagilagilalas na mga hula ng Bibliya ay malinaw na nagpapakita na may makaliligtas at ang aklat ay inilathala upang matulungan ang marami na mapabilang dito.

5 Habang inihahayag natin ang mabuting balita, makita nawa ng mga tapat-puso na tayo ay “isang bayan . . . na masikap sa mabubuting gawa.”—Tito 2:14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share