Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/89 p. 1-4
  • Apurahang Ipahayag ang mga Kahatulan ni Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Apurahang Ipahayag ang mga Kahatulan ni Jehova
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • GUMAWA NG ISANG PANTANGING PAGSISIKAP
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Bagong Alok
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Apocalipsis—Nabuksang mga Hiwaga
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Ipinahahayag ‘ang mga Salita ng Hula’
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
km 6/89 p. 1-4

Apurahang Ipahayag ang mga Kahatulan ni Jehova

1 Ang itinakdang panahon ni Jehova upang ilapat ang kahatulan laban sa Babilonyang Dakila ay mabilis na dumarating. (Apoc. 1:3; 19:2) Subali’t bago ito, isang pangwakas na babala ng kaniyang pagkawasak ang kailangan munang ibigay. Upang makaligtas, ang mga umiibig sa katuwiran ay kailangang “lumabas sa kaniya” at tamuhin ang isang sinang-ayunang katayuan sa harapan ni Jehova.—Apoc. 18:4.

2 Ang bagong aklat na Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! ay tutulong sa atin na maisakatuparan ang gawaing ito ng pagbababala. Maliwanag na inihaharap nito ang mga magiging kaparusahan ng Diyos laban sa hinatulang sanlibutang ito.

GUMAWA NG ISANG PANTANGING PAGSISIKAP

3 Dahilan sa apurahang mensahe nito, ang lahat ng mga mamamahayag ay magnanais na magkaroon ng bahagi sa pag-aalok ng aklat na Apocalipsis sa bahay-bahay. Dapat na isaalang-alang ng mga matatanda ang pagkakaroon ng karagdagang mga pagtitipon bago maglingkod. Ang mga kaayusan ba sa pagpapatotoo sa hapon o sa gabi ay makatutulong sa mga mamamahayag?

4 Bilang karagdagan pa sa pag-aalok ng aklat na Apocalipsis sa bahay-bahay, gamitin din ang iba pang pagkakataon. Ang mga kabataang mamamahayag ay maaaring mag-alok ng aklat sa kanilang mga guro. Ang mga namamasukan ay maaaring makipag-usap sa kanilang mga kamanggagawa sa panahon ng pananghalian at mag-alok ng aklat sa kanila. Bigyan ang lahat ng mga tao—mga kamag-anak, mga nagrarasyon, mga ahente na dumadalaw sa inyo, mga doktor, mga dentista, mga abogado, mga negosyante—ng pagkakataon na “makinig sa mga salita ng hulang ito.” (Apoc. 1:3) Maaaring sila’y nagnanais na maging bahagi ng di mabilang na malaking pulutong na makaliligtas sa kasukdulan ng mga banal na kahatulan sa Armagedon.

5 Ang Paksang Mapag-uusapan ay “Sino ang Ating Sasambahin?” Ang ating pambungad ay maaaring maglakip ng impormasyon mula sa pahina 359 ng aklat na Nangangatuwiran (p. 322 sa Ingles). Tanungin ang maybahay kung napapansin niya na napakaraming iba’t ibang anyo ng pagsamba, at pagkatapos ay ipakita na ang tao ay likas na nagnanais na sumamba sa isang nakatataas sa kaniya. Gayunman, yamang ang mga tao ay kadalasang sumasamba sa mga huwad na diyos, ang Apocalipsis 14:7 ay nagbibigay sa atin ng isang napapanahong babala. Ipinakikita nito ang pangangailangang sumamba sa ating Maylikha, ang tunay na Diyos. Ipinakikilala ng Apocalipsis ang lahat ng mga huwad na relihiyon sa pangalang Babilonyang Dakila at nagbibigay ng apurahang babala sa Apocalipsis 18:2a, 4. Bagaman ang isa ay matuwid sa paraang moral at nagsisikap na gumawa ng mabuti sa iba, ano kung kaniyang itinataguyod ang mga huwad na relihiyosong organisasyon? Ang Diyos ay hindi sumasang-ayon sa gayong landasin. Ipakita ang aklat na Apocalipsis at akayin ang pansin sa isang espesipikong punto na makatatawag ng interes. Pagkatapos ay ialok ang aklat sa ₱42.00.

6 Ang inyong presentasyon ay maaaring baguhin alinsunod sa inyong ginagawang teritoryo. Repasuhin ang materyal sa aklat na Nangangatuwiran sa ilalim ng “Relihiyon,” mga pahina 359-70 (p. 322-33 sa Ingles), at sa ilalim ng “Babilonyang Dakila,” mga pahina 51-5 (p. 49-53 sa Ingles), ukol sa mga mungkahi. Apurahan na tayo’y makibahagi sa paghahayag ng mensaheng ito ng kahatulan at pag-asa.—Apoc. 14:6, 7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share