Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/91 p. 1-2
  • Ipahayag ang Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipahayag ang Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • IPAMAHAGI ANG MATATANDANG MGA AKLAT
  • Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Paksang Mapag-uusapan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Tunay na Kapayapaan—Saan Kaya Magmumula?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Kapayapaan at Katiwasayan—Isang Mapananaligang Pag-asa
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
km 1/91 p. 1-2

Ipahayag ang Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan

1 Ang tunay na kapayapaan at katiwasayan ay may iisa lamang pinagmumulan, ang Diyos na Jehova. Sinabi sa atin ni Mikas na si Jehova ay “hahatol sa gitna ng maraming bayan, at sasaway sa mga matitibay na bansa sa malayo.” Ang resulta? “Ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni mag-aaral pa man ng pakikipagdigma.”—Mik. 4:3.

2 Yamang si Jehova lamang ay pinagmumulan ng tunay na kapayapaan, nangangailangan ang mga tao na “magsiahon sa bundok ni Jehova” at maturuan ng kaniyang mga daan upang makalakad sa kaniyang mga landas. (Mik. 4:2) Kanilang matututuhan na si Jehova ay magdadala ng tunay na kapayapaan sa lupang ito sa pamamagitan ng kaniyang Kaharian. Subali’t papaano natin matutulungan ang marami pang tao na matuto hinggil sa Pinagmumulan ng tunay na kapayapaan at katiwasayan?

IPAMAHAGI ANG MATATANDANG MGA AKLAT

3 Sa Enero at Pebrero ay ating ipamamahagi ang matatandang mga publikasyon. Ang lahat ng mga ito ay nagtataglay ng napapanahong impormasyon para doon sa mga nagnanais na “magsiahon sa bundok ni Jehova.” Isang doktor ang tumanggap ng isang kopya ng aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan at inilagay iyon sa istante ng aklat nang hindi iyon binabasa. Pagkatapos ay naalaala ng kaniyang asawa ang aklat at binasa iyon. Siya’y kumbinsido na iyon ang katotohanan at nagpasimulang mag-aral. Siya ngayon at ang kaniyang asawa ay bautisado na, at ang kanilang mga anak ay mga mamamahayag na. Ito’y nagpapakita ng kahalagahan ng paglalagay ng ating mga publikasyon sa maraming mga tahanan hangga’t maaari.

4 Dapat na kasama sa ating paghahanda para sa paglilingkod sa larangan ang pagrerepaso sa talaan ng mga nilalaman at mga kabanata ng aklat na makatatawag-pansin sa mga tao. Maaari nating piliin ang mga espesipikong punto mula sa aklat na ating gagamitin sa pakikipag-usap sa mga maybahay.

5 Halimbawa, ang ating bagong Paksang Mapag-uusapan ay “Malapit Nang Dalhin ng Diyos ang Kapayapaan.” Ang lahat ng publikasyong ating iaalok ay naglalaman ng mga litaw na punto o mga ilustrasyon na maaari ninyong gamitin sa paksang ito. Sa aklat na Worldwide Security maaari ninyong gamitin ang ilustrasyon sa mga pahina 172 at 173. Sa aklat na Tunay na Kapayapaan maaari ninyong gamitin ang ilustrasyon sa pahina 98. Sa aklat na Good News to Make You Happy maaari ninyong gamitin ang ilustrasyon sa pahina 157. Ang Kabanata 12 ng aklat na Katotohanan at Kabanata 16 ng aklat na Kaligayahan ay naglalaman ng maiinam na punto sa paraan ng Diyos ng pagdadala ng kapayapaan. Gamiting mabuti ang mga ito at maging positibo sa paghaharap ng kasalukuyang alok sa Enero at Pebrero.

6 Pagkatapos maipakita sa maybahay ang isa o dalawang punto sa aklat, maaari ninyong itanong sa kaniya kung nais niyang isaalang-alang ang ilang punto sa susunod na mga parapo. Sa ganitong paraan, maaaring mapasimulan ang isang pag-aaral sa Bibliya sa pagkakataong iyon. Huwag magtagal sa pagkakataong ito, kundi gumawa ng kaayusan ukol sa pagbabalik upang ipagpatuloy ang pagtalakay sa susunod na pagkakataon.

7 Nauubos na ang panahon upang ang mga tao ay bumaling sa tunay na Pinagmumulan ng kapayapaan at katiwasayan. Gawin nawa natin ang ating makakaya sa Enero at Pebrero upang ipahayag ang mensahe ng kapayapaan sa maraming mga tapat-pusong tao sa teritoryo ng ating kongregasyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share