Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/86 p. 1-4
  • Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MAGHANDA SA PAG-AALOK NG AKLAT
  • Ipahayag ang Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Ipaalam sa Lahat na ang Pambuong Daigdig na Katiwasayan ay Malapit Na
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Kapayapaan at Katiwasayan—Isang Mapananaligang Pag-asa
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Mangaral Taglay ang Unawa
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
km 5/86 p. 1-4

Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan

1 Sa ating “Mga Nag-iingat ng Katapatan” na kumbensiyon, ipinatalastas na ang bagong aklat na True Peace and Security—How Can You Find It? ay gagamitin sa ministeryo sa larangan sa taong ito. Kami ay nagagalak na magbalita sa inyo na ito ay ating iaalok sa Hunyo at Hulyo upang purihin “ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan,” at ang kaniyang Anak, ang “Prinsipe ng Kapayapaan.”—Roma 15:33; Isa. 9:6.

2 Angkop na angkop ang publikasyong ito sa panahong ito ng “Pandaigdig na Taon ng Kapayapaan”! Gayumpaman, huwag ninyong kalilimutan ang babala na inilakip sa patalastas sa kumbensiyon. Hindi natin sinasabi na ang kapahayagan ng UN para sa 1986 ang siyang katuparan ng 1 Tesalonica 5:3, na nagsasabi: “Pagka sinasabi ng mga tao: ‘Kapayapaan at katiwasayan!’ kung magkagayo’y darating sa kanila ang biglang pagkawasak.” Hindi natin alam kung hanggang kailan pahihintulutan ni Jehova ang mga bansa upang mangampanya para sa kapayapaan at katiwasayan; gayumpaman, maaaring ito’y isang mahalagang hakbangin tungo sa higit pang mga pangyayari habang tayo ay nalalapit sa “malaking kapighatian.”—Mat. 24:21.

MAGHANDA SA PAG-AALOK NG AKLAT

3 Bago ang kampanya sa Hunyo, dapat nating basahin ang mga bahagi ng aklat na True Peace upang malaman natin ang nilalaman nito. Masusumpungan ninyo ang ilang napakaiinam na punto na magagamit sa larangan sa unang dalawang kabanata.

4 Pagkatapos na talakayin ang Paksang Mapag-uusapan, maaari nating sabihin: “Napakalapit na ng maligayang kinabukasang ito na doo’y magkakaroon ng tunay na kapayapaan at katiwasayan. Taglay ko ang isang napapanahong publikasyon sa paksang iyan. Pansinin ang komento sa unang parapo ng aklat na ito. [Basahin.] Ang ilustrasyon sa pasimula ng kabanata 1 ay nagpapakita kung ano ang magiging kalagayan sa makalupang paraiso. Nais ba ninyong mabuhay sa gayong mapayapang kapaligiran? [Hayaang sumagot.] Ang aklat na ito ay tutulong sa inyo na makita kung papaano ninyo masusumpungan ang gayong kapayapaan at katiwasayan, at ito’y magiging inyo sa abuloy na ₱14.00.”

5 O, pagkatapos na basahin ang Apocalipsis 21:3, 4, maaari tayong bumaling sa pahina 19 at magsabi: “Mayroong isang kapanapanabik na parapo na nagpapakita kung gaano kalaki ang ating pangangailangan sa maligayang kinabukasan na ipinangako ng Diyos.” Pagkatapos basahin ang parapo 24, maaari tayong magpatuloy sa pagsasabing: “Pansinin din ang punto sa susunod na pahina sa parapo 28. [Basahin ito.] Ang aklat na ito ay makatutulong sa inyo na malaman ang lunas ng Diyos sa suliranin ng daigdig. Inyo na ito sa abuloy na ₱14.00.”

6 Tiyaking bumalik sa mga tao na nagpakita noon ng interes at ialok ang aklat sa kanila. Ipagunita sa kanila ang mga pangako ng Diyos at pagkatapos ay sabihin na tayo ay may aklat na nagsasabi kung ano ang nararapat nating gawin upang makasumpong ng kapayapaan at katiwasayan. Bumaling sa pahina 91, basahin ang parapo 12, at pagkatapos ay sabihin: “Ano pa ang kailangan upang makatiyak ng kaligtasan? Ang aklat na ito ay nagbibigay ng detalye hinggil sa mga kahilingan ng Diyos. Inyo na ito sa abuloy na ₱14.00.”

7 Ito rin ay isang mainam na publikasyon upang ilagay sa mga tao na nakapag-aral na noong una subali’t hindi pa naninindigan sa panig ni Jehova. Maaari nating basahin ang parapo 1 sa pahina 175 at ipakita sa kanila na ang aklat ay tutulong sa kanilang maunawaan kung ano ang kailangan nilang gawin ngayon upang maisagawa ang tumpak na pagpili.

8 Gumawa na tayo ng plano ngayon upang ialok ang bagong aklat na ito sa pantanging kampanya sa Hunyo at Hulyo upang matulungan ang iba pa na masumpungan ang tunay na kapayapaan at katiwasayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share