Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/90 p. 1-2
  • Buhay na Walang Hanggan—Ating Tunguhin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Buhay na Walang Hanggan—Ating Tunguhin
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • AKTIBIDAD SA ENERO AT PEBRERO
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Paggamit ng mga Brochure sa Pagpapasimula ng mga Pag-aaral
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Maging Matiyaga at Puspusan sa Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Isagawa ang Gawain ng Isang Ebanghelisador
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Mga Pagtitipon Bago Maglingkod
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
km 1/90 p. 1-2

Buhay na Walang Hanggan—Ating Tunguhin

1 Libu-libong mga tao ang tinuruan ni Jesus at nakasaksi ng mga tanda na kaniyang isinagawa. Kay laking pribilehiyo ang kanilang tinamasa! Sa isang okasyon kaniyang pinakain ang 5,000 mga lalake, bukod pa sa mga babae at mga bata, ng saganang suplay ng tinapay at isda. Bagaman isinaalang-alang ni Jesus ang pisikal na pangangailangan ng mga tao, siya’y pangunahing nabahala sa kanilang espirituwal na mga pangangailangan. Kaya, nang sumunod na araw ay kaniyang sinabi sa pulutong: “Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan.”—Juan 6:27.

2 Bilang mga tunay na Kristiyano, nanaisin nating sundin ang payo ni Jesus at gumawa para sa walang hanggang espirituwal na mga kapakinabangan. Ito ay nangangahulugan ng paglalagay sa mga materyal na bagay sa kanilang dako at paglalagay bilang pangunahing tunguhin natin ang paggawa sa kalooban ng Diyos. Kung gayon, tumutulad tayo kay Jesus at gumagawa ng lahat ng pagsisikap na tulungan ang iba na mapahalagahan ang espirituwal na mga bagay, na ginagawang tunguhin ang buhay na walang hanggan.

AKTIBIDAD SA ENERO AT PEBRERO

3 Sa Enero at Pebrero ating iaalok ang mga matatandang publikasyon, depende sa taglay sa iba’t ibang lugar. Doon sa mga lugar na gumagamit ng Ingles, Iloko o Tagalog ay maaaring mag-alok ng aklat na Worldwide Security sa ₱14.00. Ang mga gumagamit ng Cebuano ay mag-aalok ng alinman sa aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan o Kaligayahan sa ₱14.00. Ang mga kongregasyong Hiligaynon, Pangasinan at Samar-Leyte ay mag-aalok ng aklat na Good News to Make You Happy, sa pantanging halaga na ₱2.50. Ang mga kongregasyon sa Bicol ay mag-aalok ng aklat na Katotohanan sa pantanging mababang halagang ₱7.00. Hinihimok namin ang lahat na lubusang tangkilikin ang pantanging kampanyang ito. Kung mayroon kayong iba pang mga aklat na newsprint sa inyong stock, ang mga ito ay maaaring ialok sa ₱2.50 sa publiko sa dalawang buwang ito.

4 Upang maging mabisa sa pagdadala ng mabuting balita sa iba, kailangan tayong handang handa. Pamilyar ba tayo sa bagong Paksang Mapag-uusapan, at mayroon ba tayong tiyak na puntong babanggitin mula sa literatura? Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ating lingguhang atas ng pagbabasa sa Bibliya at pagsasaalang-alang sa teksto bawa’t araw, susulong ang ating espirituwalidad, at darami ang mabubuting bagay na ating masasabi sa ating ministeryo.—Ihambing ang Jeremias 20:9.

5 Narito ang ilang iminumungkahing punto mula sa iba’t ibang aklat na nanaisin ninyong gamitin sa paghaharap ng inyong Paksang Mapag-uusapan: Sa aklat na Worldwide Security, gamitin ang ilustrasyon sa mga pahina 172 at 173; sa aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan, gamitin ang tsart sa mga pahina 78 at 79; sa aklat na Kaligayahan, ang Kabanata 15 ay may maiinam na punto, mula sa pahina 140 hanggang pahina 150; sa aklat na Good News to Make You Happy, gamitin ang tsart sa mga pahina 148 at 149; sa aklat na Katotohanan, gamitin ang mga punto sa mga pahina 94 at 95.

6 Kapag hindi kumuha ng literatura ang maybahay, maaari tayong mag-iwan ng isang tract o handbill upang maantig ang interes ng tao sa espirituwal na mga bagay. O maaari tayong magbangon ng isang katanungan sa Bibliya at imungkahi sa maybahay na pag-isipan iyon para mapag-usapan sa susunod nating pagdalaw-muli. Maaari ninyong piliin ang isa sa maraming katanungang tinatalakay sa aklat na Nangangatuwiran sa bagay na ito.

7 Oo, ang ating tunguhin ay ang matapat na paglilingkod kay Jehova taglay sa pangmalas ang buhay na walang hanggan. Nawa’y ipamalas natin ang pagpapahalaga sa espirituwal na mga bagay sa pamamagitan ng ating gawain habang pinasisigla natin ang iba sa pag-ibig at mabubuting gawa.—Heb. 10:24.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share