Pagtayong Matatag Bilang Isang Kawan
1 Ang pantanging araw ng asamblea para sa 1990 taon ng paglilingkod ay magkakaroon ng temang “Pagtayong Matatag Bilang Isang Kawan.” Ang temang ito ay salig sa Filipos 1:27. Ang programa sa umaga ay sasaklaw sa impormasyon hinggil sa pangangailangang tumayong matatag, mga paglalaan na tutulong sa atin na tumayong matatag, mga halimbawa ng pagtayong matatag, at kung papaanong makapagbabantay tayo laban sa nakapagpapahinang impluwensiya. Magkakaroon ng mga kaayusan sa bautismo sa katapusan ng sesyon sa umaga. Ang sinumang nag-iisip tungkol sa bautismo ay dapat na makipag-usap sa punong tagapangasiwa nang patiuna upang makagawa ng kaayusan sa pagrerepaso sa mga katanungan sa Organisado Upang Ganapin ang Ating Ministeryo.
2 Sa hapon ay magkakaroon ng sumaryo ng Bantayan na sinusundan ng pampatibay-loob upang maging positibo sa ministeryo, tagubilin sa pagtulong sa iba sa ministeryo, at praktikal na payo upang tulungan tayong tumayong matatag sa iisang espiritu. Ngayon sa lahat ng panahon, mahalaga na tumayong matatag bilang iang kawan sa harapan ni Jehova. Ang ating nagkakaisang paninindigan para sa tunay na pagsamba ay nagsasanggalang sa atin mula sa mga puwersang lumilikha ng pagkakawatak-watak na lumalaganap sa sanlibutan ni Satanas, at naglalagay sa atin sa isang matatag na katayuan upang tumulong sa iba na sumama sa atin sa tunay na pagsamba.
3 Pakisuyong pansinin na sa linggo ng pantanging asamblea, ang regular na pag-aaral ng Bantayan at pahayag pangmadla ay hindi idaraos sa mga kongregasyon. Gayumpaman, ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro, Pulong Ukol sa Paglilingkod at Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ay idaraos gaya ng dati. Ito’y mangangahulugan na ang mga kongregasyong nagdaraos ng mga pulong na ito sa Linggo ay kailangang magsaayos ng mga ito sa ibang araw sa linggong iyon.
4 Ang mga pantanging asambleang ito ay magpapasimula sa Marso at nanaisin nating lahat na gumawa ng mga kaayusan upang makadalo nang buong maghapon.