Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/93 p. 8
  • Payak at Mabisang mga Pagdalaw Muli

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Payak at Mabisang mga Pagdalaw Muli
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Palakihin ang Interes sa Pamamagitan ng Paggawa ng Mabibisang Pagdalaw Muli
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng mga Pagdalaw-muli
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Gamitin ang Aklat na Nangangatuwiran sa mga Pagdalaw-muli
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Paggamit ng Aklat na Mabuhay Magpakailanman sa mga Pagdalaw Muli
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 5/93 p. 8

Payak at Mabisang mga Pagdalaw Muli

1 Palagian ba kayong gumagawa ng mga pagdalaw muli, o nasusumpungan ninyong mahirap ito dahilan sa hindi alam kung ano ang sasabihin? Tatlong bagay ang tutulong sa inyo upang maging matagumpay: (1) mabuting paghahanda; (2) kakayahang talakayin ang isa o dalawang punto hinggil sa ilang mga payak na paksa sa Bibliya; (3) pagnanais na makinig sa punto-de-vista ng maybahay.

2 Sa paghahanda upang gumawa ng pagdalaw muli, isaalang-alang kung anong paksa ang pinakamabuting talakayin sa maybahay. Nagbangon ba kayo ng katanungan sa katapusan ng inyong nakaraang pagdalaw, o nagpakita ba ng interes ang maybahay sa isang partikular na paksa? Repasuhin ang inyong mga nota, at gamitin ang aklat na Nangangatuwiran upang hanapin ang impormasyong kakailanganin ninyo sa paggawa ng isang mabisang pagdalaw muli. Kapag gumagawa kayo ng pagdalaw, batiin ang maybahay sa pangalan.

3 Kapag kayo’y nakapaglagay ng Ang Bantayan at Gumising! sa maybahay, ang inyong pagdalaw muli ay maaaring ibatay sa isa o dalawang payak na punto na inyong pinili mula sa mga magasin. Kung kayo’y nakapaglagay ng tract sa unang pagdalaw, maaaring magkomento kayo hinggil sa tract mismo o bumaling sa isang angkop na punto sa isang magasin o brochure.

4 Kung kayo’y nakapaglagay ng “Ang Buhay sa Mapayapang Bagong Sanlibutan,” sabihin lamang:

◼ “Noong huli kong pagdalaw, pinag-usapan natin ang pangako ng Diyos hinggil sa isang mapayapang bagong sanlibutan. Gaya ng natalakay natin, higit na mabubuting kalagayan ang darating sa pamamagitan ng Kaharian ng Diyos. Ano sa palagay ninyo ang hinihiling sa atin upang maging bahagi ng mapayapang bagong sanlibutang iyon?” Hayaang magkomento ang maybahay, pagkatapos ay bumaling sa mga punto sa Awit 37:9, 11, 29.

5 Kung kayo’y nakapaglagay ng “Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal?,” ang maikling mga pananalitang ito ay maaaring magbukas ng isang pag-uusap:

◼ “Pagkatapos ng ating huling pag-uusap, iniwanan kita ng isang tract na may pamagat na Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? Ang ikatlong parapo ay nagbabangon ng ilang kapanapanabik na katanungan: ‘Bakit nga ba namamatay ang mga tao? Nasaan ang mga patay? At papaano natin matitiyak na sila’y muling mabubuhay?’ Ang susunod na subtitulo, na may pamagat na ‘Kamatayan, at ang Nangyayari Pagka Tayo’y Namatay,’ ay sumasagot sa bawat tanong. Pansinin kung ano ang sinasabi nito sa ikaapat na parapo.” Basahin ang parapo, lakip na ang dalawang kasulatan, at tanungin ang maybahay sa kaniyang punto-de-vista.

6 Samantalang nag-uusap, ang maybahay ay maaaring magpahayag ng ilang di tamang punto-de-vista. Hindi kailangang tutulan ang lahat ng kaniyang sinasabi. Sa halip, manatili sa paksang tinatalakay. Ang anumang di maka-Kasulatang ideya na maaaring taglay niya ay maaaring maituwid sa hinaharap na mga pagdalaw muli.

7 Gawin ang lahat ng pagpaplano upang masubaybayan ang anumang interes sa pamamagitan ng paggawa ng payak at mabisang mga pagdalaw muli sa Mayo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share