Muli Nating Pag-aaralan ang Aklat na Apocalipsis
1 Ang pahinang may taglay na pamagat ng aklat na Apocalipsis ay sumisipi sa Apocalipsis 1:3: “Maligaya siya na bumabasa nang malakas at yaong mga nakikinig sa mga salita ng hulang ito.” Ang kaligayahan ng bayan ni Jehova sa ngayon ay tiyak na nag-uumapaw dahilan sa makabagong panahong katuparan ng mga hula sa aklat ng Apocalipsis. Ang ating makabagong panahong kaunawaan sa mga nagaganap sa “araw ng Panginoon” ay ipinaliwanag sa Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! (Apoc. 1:10) Sa pamamagitan ng pag-aaral nito, natamo natin ang unawa sa kahalagahan ng mga pangyayari sa sanlibutan, lalo na doon sa may kinalaman sa pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon at sa patuloy na pagmamartsa ng mga bansa sa Armagedon at sa pakikitungo ni Jehova sa kaniyang bayan.
2 Sa susunod na Enero tayo’y magpapasimulang mag-aral sa aklat na ito sa lahat ng mga kongregasyong Cebuano, Hiligaynon, Iloko, at Tagalog sa mga pag-aaral ng kongregasyon sa aklat sa ikatlong pagkakataon at ang eskedyul ay ibibigay sa Ating Ministeryo sa Kaharian sa takdang panahon. Gayunpaman, ang patiunang impormasyong ito ay ibinibigay upang ang lahat ng mga baguhan na wala pang kopya ng aklat na ito ay makakuha nito kapag ito’y pinag-aralan.
3 Para sa marami sa atin, ang pag-aaral ng publikasyong ito ay hindi lamang magpapaalaala sa atin ng mga puntong dati nang isinaalang-alang kundi magpapatalas din sa ating espirituwal na pangmalas sa kasalukuyang mga pangyayari na humantong sa araw ng pagtatagumpay ni Jehova sa lahat ng kaniyang mga kaaway. Ang libu-libong sumama sa atin sa nakaraang dalawa hanggang tatlong taon ay tiyak na makikinabang mula sa ikatlong pagsasaalang-alang na ito sa aklat na Apocalipsis sa mga Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat.
4 Tiyaking maghandang mabuti at makibahagi bawat linggo, pasimula sa Enero 30, 1995. Kayo ay mayamang pagpapalain habang higit ninyong nauunawaang mabuti ang mga pangyayari sa daigdig sa liwanag ng hula ng Apocalipsis.