Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/95 p. 4
  • Tulungan Yaong mga Walang Pananampalataya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulungan Yaong mga Walang Pananampalataya
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Pagtulong sa Iba na Parangalan ang Ating Maylikha
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Si Jehova ang Ating Maylikha
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kung Paano Iaalok ang Aklat na Itinuturo ng Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Mga Mungkahing Presentasyon sa Paglilingkod sa Larangan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 6/95 p. 4

Tulungan Yaong mga Walang Pananampalataya

1 Sa kaarawang ito, pagiging popular ang malasin bilang isang may pinag-aralan at may pasulong na kaisipan. Ang mga pilosopiya ng tao at kinahuhumalingang mga teoriya ay dinadakila, samantalang ang mga espirituwal na kahalagahan ay niwawalang-bahala. Ang taimtim na mga taong interesado sa simpleng mga katunayan at madaling unawaing katotohanan ay magsusuri sa aklat na Life​—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Ang aklat na ito ay makatutulong sa mga kulang sa pananampalataya. (Roma 1:​19, 20) Tiyaking gumawa ng mga pagdalaw-muli sa lahat na nagpakita ng interes.

2 Maaari kayong magsimula sa pagtalakay sa ganitong paraan:

◼ “Natitiyak kong batid ninyo na maraming tagapagturo ang nagtataguyod sa paniniwala na ang sambahayan ng tao ay lumitaw dito sa pamamagitan ng ebolusyon. Ito’y nagtuturo na ang lahat ay lumitaw sa pamamagitan ng aksidente. Ano sa palagay ninyo? [Hayaang sumagot.] Ang ideang ito ay tinatawag na teoriya. Ang teoriya ay ‘isang pala-palagay’ o ‘isang di-napatunayang pag-aangkin.’ Sa loob ng daan-daang taon ang mga tao ay naniwala na ang lupa ay lapad; ngayo’y nababatid natin na iyon ay isang mangmang na pag-aangkin na hindi salig sa katotohanan. Ito ba’y totoo rin sa teoriya ng ebolusyon?” Basahin ang pambungad na komento sa pahina 4, at pagkatapos ay talakayin ang Isaias 42:5.

3 O maaari ninyong gamitin ang ganitong paraan sa inyong pagbabalik:

◼ “Karaniwan nang makita ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos. Noong mga nakaraang taon, iyo’y pambihira. Bakit sa palagay ninyo’y nawawala ang pananampalataya ng marami sa Diyos? [Hayaang sumagot.] Ibinibintang ng iba ang pagkawala ng kanilang pananampalataya sa nakapangingilabot na paglago ng karahasan at kabagabagan sa ating daigdig. Sila’y nangangatuwiran na kung may Diyos na makapangyarihan-sa-lahat, bakit hindi niya wakasan ang lahat ng pagdurusang ito? Yaong mga hindi makasumpong ng kasiya-siyang sagot sa katanungang iyon ay kadalasang nagiging ateista. Subalit may nangingibabaw na katibayan na nagpapatunay na ang Diyos ay umiiral at hindi na magtatagal ay gagawin niya ang lupa na isang dako ng kaligayahan at kapayapaan.” Ipagpatuloy ang pagtalakay sa pamamagitan ng paggamit ng maka-Kasulatang mga punto na masusumpungan sa parapo 19 sa pahina 196.

4 Hawak ang inyong Bibliya, maaari ninyong buksan ang pag-uusap sa pagsasabing:

◼ “Muli kaming dumadalaw upang ipakita kung bakit ang pag-aaral ng Bibliya ay praktikal sa ating kapanahunan. Maraming tao ang may Bibliya, subalit iilan lamang ang kumukuha ng panahon upang basahin ito. Tahasang sinasabi ng iba na sila’y wala nang tiwala sa Bibliya. Ano ang palagay ninyo dito? [Hayaang sumagot.] Ang isa sa mga bagay na humihikayat sa atin upang maniwala na ang Bibliya ay kinasihang Salita ng Diyos ay ang katuparan ng mga hula nito.” Bumaling sa mga teksto sa Kasulatan sa parapo 6 sa pahina 234.

5 Ang paraang ito ay maaaring magbunga ng kanais-nais na pagtugon:

◼ “Nakikita natin ang kagandahan at kamangha-manghang katunayan ng karunungan sa mga bagay na nakapalibot sa atin sa lupang ito. Ang magandang larawang ito ng paglubog ng araw ay isang angkop na halimbawa.” [Ipakita ang ilustrasyon sa mga pahina 12 at 13.] Banggitin ang mga punto mula sa “Ilang Bagay na Mapag-iisipan” at ipaliwanag kung papaanong ang aklat na ito ay naglalaan ng kasiya-siyang kasagutan sa mahahalagang tanong hinggil sa ating daigdig.

6 Maaari tayong maging isang pagpapala sa iba sa pamamagitan ng paggamit sa aklat na ito upang tulungan silang makasumpong ng matatag na saligan ng pananampalataya sa kanilang Maylikha.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share