Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/96 p. 4
  • Magsalita ng Katotohanan sa Inyong Kapuwa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magsalita ng Katotohanan sa Inyong Kapuwa
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Hanapin Yaong mga Wastong Nakaayon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Ang Bantayan at ang Gumising!—Napapanahong mga Magasin ng Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 5/96 p. 4

Magsalita ng Katotohanan sa Inyong Kapuwa

1 Yamang ang mga magasing Bantayan at Gumising! ay nagpapaalingawngaw sa mensahe ng katotohanan sa Bibliya, ang pamamahagi ng mga babasahing ito sa buwan ng Mayo ay isang paraan upang tayo ay ‘magsalita ng katotohanan sa ating kapuwa.’ (Efe. 4:25) Narito ang ilang idea na makatutulong sa atin upang makapagsimula:

2 Ang Abril 22 ng “Gumising!” ay dapat na itampok hanggang sa maubos ang inyong suplay. Maaari ninyong pasimulan ang inyong presentasyon sa pamamagitan ng pagtatanong:

◼ “Ano ang inyong masasabi sa isang daigdig na walang digmaan? [Hayaang sumagot.] Alam ba ninyo ang mga relihiyon sa daigdig ay aktuwal na nagtataguyod ng mga digmaan at pagpatay? [Hayaang sumagot.] Bilang kabaligtaran nito, pansinin ang sinasabi ng Bibliya kung ano ang gagawin ng mga tunay na mananamba sa Diyos.” Basahin ang Isaias 2:2-4 mula sa itaas ng pahina 4 ng magasin, at pagkatapos sa pahina 10 ay basahin ang unang parapo sa ilalim ng sub-titulong “Panawagan sa mga Umiibig sa Kapayapaan.” Pagkatapos ay magtanong: “Alam ba ninyo kung paano gagawin yaon ng Diyos? Ang kasagutan ay masusumpungan sa magasing ito, at ito ang inyong kopya upang mabasa.”

3 Kapag iniaalok ang Mayo 15 ng “Bantayan,” subuking banggitin ang isang balita kamakailan na naging sanhi upang madama ng mga tao ang kawalang kapanatagan, at pagkatapos ay magtanong:

◼ “Ano sa palagay ninyo ang kailangan upang madama natin ang tunay na kasiguruhan sa buhay na ito? [Hayaang sumagot.] Sa totoo lang, talaga bang maaasahan ang mga tao sa paglutas sa mga suliraning napapaharap sa sangkatauhan? [Hayaang sumagot; pagkatapos ay basahin ang Awit 146:3.] Pagkatapos ay nagbigay sa atin ng dahilan ang salmista upang magkaroon ng positibong pangmalas sa hinaharap. [Basahin ang Awit 146:5, 6.] Ang artikulong ito, ‘Tunay na Katiwasayan, Ngayon at Magpakailanman,’ ay nagpapaliwanag kung bakit tayo makapagtitiwala sa Diyos na Jehova upang magdala ng mas mabuting mga kalagayan sa lupa.” Ialok ang mga magasin at isaayos na bumalik.

4 Dahilan sa malaganap na kawalang tiwala sa gitna ng mga tao sa ngayon, marahil ang artikulong “Bakit Ako Mawawalan ng mga Kaibigan?” ng Mayo 22 ng “Gumising!” sa “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong” ay maaaring gamitin. Maaari ninyong itanong:

◼ “Pinahahalagahan nating lahat ang mabubuting kaibigan. Ano sa palagay ninyo ang lihim ng isang namamalaging pagkakaibigan? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinabi ni Jesus sa Mateo 7:12. [Basahin, pagkatapos ay magkomento, na ipinakikita ang artikulo.] Ipinakita ni Jesus kung ano ang tunay na pagkakaibigan sa Juan 15:13. [Basahin.] Nalalaman ko na masisiyahan kayo sa pagbabasa ng artikulong ito.” Mag-alok at isaayos na bumalik.

5 Kung nais ninyo ang isang maikling presentasyon, maaari ninyong subukan ito:

◼ “Marami ang nakadarama na ang karamihan sa mga magasin ngayon ay masyadong nagtatampok ng komersiyalismo, sekso, o karahasan. [Ipakita Ang Bantayan at Gumising!] Aming ipinamamahagi ang kapaki-pakinabang na mga babasahing ito na salig sa Bibliya. Ang mga ito ay lubhang edukasyonal at nagtuturo sa atin na sumamba sa Diyos, umibig sa ating kapuwa, at panatilihin ang matuwid na paggawi. Nalalaman kong masisiyahan kayo sa pagbabasa ng mga isyung ito.”

6 Kung tayo ay masigasig sa pagsasalita ng katotohanan sa ating kapuwa, maaari tayong makapagdala ng malaking kagalakan sa marami.—Gawa 8:4, 8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share