Hanapin Yaong mga Wastong Nakaayon
1 Ang isang layunin ng ating pangangaral ay upang masumpungan yaong mga “wastong nakaayon para sa buhay na walang-hanggan.” (Gawa 13:48) Ang pamamahagi ng Bantayan at Gumising! ay isang napakainam na paraan upang maisakatuparan ito. Ating itatampok ang mga magasin sa Abril. Inaasahan, na kapag nakasumpong ng interes, ating mapasisimulan ang mga bagong pag-aaral sa Bibliya sa aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan. Narito ang ilang mungkahi na maaaring maging praktikal para sa inyo:
2 Ginagamit ang Abril 1 ng “Bantayan,” na nagtatampok sa pahayag pangmadla sa pandistritong kombensiyon nang nakaraang taon na, “Purihin ang Haring Walang-Hanggan!,” maaari ninyong sabihin ang ganito:
◼ “Ang maraming taong nakausap namin ay may pananampalataya sa Diyos. Ang iba ay nahihirapang maniwala sa kaniya. Ano ang nadarama ninyo? [Hayaang sumagot.] Tayo’y napalilibutan ng nakikitang patotoo na nagpapatunay na tiyak na may Diyos. [Basahin ang Awit 104:24.] Kapag nakikita natin ang isang camera o isang computer, nalalaman natin na ito’y ginawa ng isang matalinong disenyador. Makatuwiran bang sabihin na ang higit na masalimuot na mga bagay, tulad ng lupa at mga tao ay lumitaw nang di sinasadya?” Gamitin ang isang parapo mula sa artikulo na magpapakita ng isang makatuwirang dahilan para maniwala sa Diyos. Kung nagpakita ng interes, ialok ang mga magasin.
3 Ang Abril 15 ng “Bantayan” ay nagtatampok ng artikulong “Kung Bakit Tumatanggap ng Pagpapala ng Diyos ang Tunay na Pagsamba.” Bago iharap ito, maaari ninyong itanong:
◼ “Sa umiiral na daan-daang relihiyon sa daigdig, sa palagay ba ninyo’y kalugud-lugod ang lahat ng ito sa Diyos? [Hayaang magkomento.] Inihula ni Jesus na sa kabila ng pag-aangkin ng maraming relihiyosong tao, yaong mga hindi gumagawa ng kalooban ng Diyos ay itatakwil. [Basahin ang Mateo 7:21-23.] Mahalaga na makilala natin ang tunay na relihiyong itinuro ni Jesus.” Bumaling sa uluhang “Anong mga Bunga ang Dapat na Ipamalas ng Tunay na Relihiyon?,” pasimula sa pahina 16, at talakayin ang isang halimbawa na nagpapakita ng punto.
4 Kapag itinatampok ang pangunahing paksa sa Abril 22 ng “Gumising!,” “Kapag Wala Nang mga Digmaan,” maaari ninyong sabihin:
◼ “Sa siglong ito’y nagkaroon ng daan-daang digmaan, lakip na ang dalawang digmaang pandaigdig. Gayunman halos lahat ng lider sa daigdig ay nagsasabi na nais nila ng kapayapaan. Kung bawat isa’y nagnanais ng kapayapaan, bakit hindi nila matamo ito? [Hayaang sumagot.] Ano sa palagay ninyo ang kailangan natin upang makita ang tunay na kapayapaan sa lupa?” Pagkatapos sumagot ang maybahay, bumaling sa mga pahina 8 at 9 at basahin ang mga teksto gaya ng Awit 46:8, 9. Gamitin ang mga larawan at mga kasulatang sinipi upang ipakita kung papaanong dadalhin ng Kaharian ng Diyos ang pandaigdig na kapayapaan na mamamalagi magpakailanman. Pagkatapos ay ialok ang magasin at isaayos na magbalik.
5 Tiyaking bigyan ng pagkakataon ang lahat ng inyong masusumpungan na makinabang mula sa pagbabasa ng Ang Bantayan at Gumising!, na nagdadala ng “mabuting balita ng lalong mabuting bagay.”—Isa. 52:7.