Patuloy na Magsalita ng Katotohanan
1 Ang mga apostol ay nagsabi: “Kami ay hindi makatigil sa pagsasalita tungkol sa mga bagay na aming nakita at narinig.” (Gawa 4:20) Sa ngayon tayo ay maraming literatura sa Bibliya na magagamit sa ating ministeryo, subalit kailangan pa rin tayong magpatuloy sa pagsasalita ng katotohanan. Narito ang ilang paraan upang isakatuparan ito habang tayo’y bumabalik sa mga tumanggap ng mga nakaraang isyu.
2 Kapag sinusubaybayan ang naisakamay na pantanging “Gumising!” ng Abril na may paksang “Kapag Wala Nang mga Digmaan,” maaari ninyong sabihin:
◼ “Nang nakaraan, ating pinag-usapan ang tungkol sa mga digmaan at ang bahagi ng relihiyon sa mga ito. Alam ba ninyo na ang gayong mga pangyayari ay nagpapatunay na tayo ay nabubuhay sa mga huling araw? [Ipakita ang aklat na Kaalaman. Basahin ang unang parapo ng kabanata 11, at ipakita ang kahon sa pahina 102.] Ang aklat na ito ay nagpapaliwanag sa paksang ito at sa 18 iba pang nakalista dito sa mga nilalaman. [Ipakita ang pahina 3.] Nais kong itanghal kung paanong ang aklat na ito ay makatutulong sa inyo.” Kapag pumayag, pasimulan ang pag-aaral sa pahina 6.
3 Kung inyong tinalakay ang tungkol sa isang tiwasay na buhay sa Mayo 15 ng “Bantayan” sa inyong unang pagdalaw, maaari kayong magsabi ng gaya nito:
◼ “Noong una tayong magkita, ating binasa ang isang teksto mula sa Bibliya na nagbibigay sa atin ng pag-asa sa hinaharap. Ngayon ay nais kong ipaliwanag kung sino ang makapagbibigay sa atin kahit sa ngayon ng damdamin ng pagiging tiwasay.” Basahin ang Awit 4:8. Bumaling sa aklat na Kaalaman sa pahina 168 at basahin ang parapo 19. Pagkatapos ay magtanong: “Nais ba ninyong tamasahin ang isang libreng pag-aaral sa Bibliya upang masumpungan ang ganitong uri ng katiwasayan sa inyong buhay?” Kung ang sagot ay oo, bumaling sa kabanata 1.
4 Kung inyong tinalakay ang Mayo 22 ng “Gumising!” hinggil sa pagkakaibigan sa una ninyong pagdalaw, maaari ninyong sabihin ang sumusunod sa inyong pagbabalik:
◼ “Noong nakaraan ay tinalakay natin kung paano tayo magkakaroon ng mabubuting kaibigan. Subalit ano ang nangyayari kapag lumitaw ang di pagkakaunawaan? Wawakasan ba nito ang pagkakaibigan? [Hayaang sumagot.] Sa artikulo na ating tinalakay noong nakaraang linggo, may isang seksiyon sa ‘Kapag Bumangon ang mga Problema.’ Maaari bang kunin ninyo ang inyong kopya?” Talakayin ang artikulo sa maikli at basahin ang Efeso 4:26. Pagkatapos ay tumungo sa pag-uusap sa aklat na Kaalaman, marahil ay ginagamit ang mga punto sa pahina 166.
5 Maaari ninyong gawin ang tuwirang pag-aalok ng pag-aaral sa pagdalaw-muli sa pamamagitan ng pagsasabing:
◼ “Aming ipinamamahagi ang aming mga magasin upang ipabatid sa mga tao kung ano ang itinuturo ng Bibliya. Kung pahahalagahan ng mga tao ang kanilang natututuhan, kami ay nag-aalok ng isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya. [Bumaling sa kahong ‘Tatanggapin Mo ba ang Isang Dumadalaw?’ sa likod ng Ang Bantayan.] Aming ginagamit ang aklat na ito, Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan, bilang giya. Hayaang ipakita ko sa inyo kung paano idinaraos ang isang pag-aaral.”
6 Kung patuloy tayong magsasalita ng katotohanan, makatitiyak tayo na mayroong ilan na makikinig at tutugon nang may pagsang-ayon.—Mar. 4:20.