Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/97 p. 1
  • Tulungang Makaunawa ang mga Walang Karanasan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulungang Makaunawa ang mga Walang Karanasan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Paano Gagamitin ang Magandang Balita Mula sa Diyos!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Paglinang ng Interes sa Pabalita ng Kaharian
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Ginagamit Mo Ba ang Brosyur na Hinihiling Upang Makapagpasimula ng mga Pag-aaral?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Tularan si Jehova sa Taimtim na Pagmamalasakit sa Iba
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 4/97 p. 1

Tulungang Makaunawa ang mga Walang Karanasan

1 Sa ating paggawa ng mga alagad, ating tinuturuan ang iba hinggil sa kahilingan ng Diyos sa kanila. (Mat. 28:19, 20) Ang tagumpay sa gawaing ito ay hindi sinusukat sa pamamagitan ng ginugol na oras, sa naisakamay na literatura, o sa pinasimulang mga pag-aaral sa Bibliya. Natatamo natin ang ating tunguhin kapag nakaunawa ang mga tao at kumilos ayon sa kanilang natutuhan.

2 Ang pagtulong sa iba sa espirituwal ay “nagpapaunawa sa mga walang karanasan.” (Awit 119:130) Ang mga puso ay nasasaling at ang mga tao ay napakikilos tangi lamang kung kanilang ‘nakukuha ang diwa nito.’ (Mat. 15:10) Habang lumalawak ang ating gawain, ating napahahalagahan nang higit at higit ang pangangailangang magsalita at magturo nang simple. Ito ang dahilan kung bakit ang Samahan ay naglimbag ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? Maiikli ang leksiyon, hindi masalimuot ang salita, at madaling maintindihan ang mga tagubilin.

3 Ang brosyur na ito ay itatampok kasama ng mga magasin sa mga buwan ng Abril at Mayo. Inirerekomendang mag-alok kayo ng mga magasin gaya ng dati kung mga araw ng Sabado subalit itampok ang brosyur sa iba pang mga araw sa loob ng sanlinggo. Dalhin ang brosyur sa mga tao na kumuha noon ng literatura. Tandaan na ito’y makatutulong lalo na sa pagtuturo sa mga anak at doon sa mga limitado ang kakayahang bumasa.

4 Gamitin ang Simpleng Paglapit: Kapag inihaharap ang brosyur na Hinihiling, bumaling sa pahina 2, kung saan ipinaliliwanag na “ang brosyur na ito ay dinisenyo bilang isang kurso sa pag-aaral ng Bibliya.” Ituro ang parapo 3 sa pahina 3 at ipakita kung bakit ang tao ay nangangailangang mag-aral ng Bibliya. Pukawin ang kaniyang interes sa pamamagitan ng ilang pamagat ng leksiyon na naghahayag ng simpleng mga katotohanan sa Bibliya. Itanghal kung paano ginagawang kasiya-siya ng brosyur na ito ang pagkatuto, at mag-alok sa kaniya ng personal na tulong.

5 Magdaos ng Progresibong Pag-aaral: Ang ating tunguhin ay gumawa ng higit pa kaysa magdaos lamang ng mga pag-aaral—nais nating gumawa ng mga alagad na magiging matatag na mga tagapagtaguyod ng tunay na pagsamba. Ang brosyur ay maaaring saklawin sa loob lamang ng ilang linggo at dapat na umakay sa pag-aaral sa aklat na Kaalaman. (Tingnan ang talababa sa pahina 31.) Sa mismong pasimula, tulungan ang estudyante na makilala ang organisasyon ni Jehova. (Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 261; pahina 283-4 sa Ingles.) Idiin ang kahalagahan ng mga pulong sa kongregasyon, at ipaliwanag na ang pagdalo sa mga ito ay nagbibigay ng sapat na kaunawaan kung paano isasagawa ang tunay na pagsamba.—Heb. 10:24, 25.

6 Ang lubusang pakikibahagi sa pantanging gawaing ito sa Abril at Mayo ay magdudulot sa atin ng kagalakan habang tinutulungan natin ang mga taimtim na tao na “magtamo ng kaunawaan” na umaakay sa buhay.—Kaw. 4:5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share