Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/97 p. 3
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Aklatan ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Ano ang Maitutulong sa Atin ng Library ng Kingdom Hall?
    Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?
  • Kung Papaano Makagagawa ng Isang Teokratikong Aklatan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Gamitin ang mga Ito sa Halip na Matambak
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 7/97 p. 3

Tanong

◼ Anong mga publikasyon ang dapat na ilagay sa aklatan ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro?

Ang aklatan ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa Kingdom Hall ay naglalaan ng paraan upang masaliksik ang mga publikasyon na maaaring hindi makuha sa ibang paraan. Kaya, ito’y dapat magkaroon ng iba’t ibang salin ng Bibliya, ng kasalukuyang mga publikasyon ng Samahan, mga kopya ng Ating Ministeryo sa Kaharian, mga tomo ng Ang Bantayan at Gumising!, at ng mga Watch Tower Publications Index. Bukod dito, dapat idagdag ang isang mainam na makabagong diksyunaryo. Kung mayroon, maaaring makatulong ang mga encyclopedia, mga atlas, o mga reperensiyang aklat sa balarila at kasaysayan.

Hindi magiging angkop na ilakip ang mga aklat na bungang-isip lamang, mga komentaryo sa Bibliya na nagtatampok sa maselan na pamumuna, o mga aklat sa pilosopiya o espiritismo. Ang aklatan ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ay dapat maglakip ng mga materyal lamang na makatutulong doon sa mga gumagamit nito na patuloy na sumulong sa espirituwal.—1 Tim. 4:15.

Ang tagapangasiwa sa paaralan ang may pananagutan sa aklatan, bagaman ang iba pang kapatid ay maaaring atasang tumulong sa kaniya sa pangangalaga nito. Titiyakin niyang ang mga bagong publikasyon ay naidaragdag karaka-raka kapag makukuha na ang mga ito. Ang bawat aklat ay dapat na malinaw na minarkahan sa panloob na bahagi ng takip ng pangalan ng kongregasyon na may-ari nito. Taun-taon, ang mga aklat ay dapat suriin upang makita kung may kailangang ayusin o palitan.

Sa pagsunod sa mga mungkahi sa itaas, ang aklatan ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ay makatutulong sa lahat na matuklasan ang natatagong kayamanan ng Salita ng Diyos, na nagbibigay ng kaalaman, karunungan, at kaunawaan.—Kaw. 2:4-6.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share