Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/97 p. 1
  • “Gawin Mo ang Iyong Sukdulang Makakaya”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Gawin Mo ang Iyong Sukdulang Makakaya”
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Ginagawa Mo ba ang Iyong Buong Kaya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Gawin ang Ating Buong Kaya Upang Ipahayag ang Mabuting Balita
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Gawin ang Inyong Buong Kaya sa Pamamagitan ng Pakikibahagi sa Buong Panahong Paglilingkuran
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • ‘Ano Ngang Uri ng Pagkatao ang Nararapat sa Iyo!’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 6/97 p. 1

“Gawin Mo ang Iyong Sukdulang Makakaya”

1 Nang ating ialay ang ating sarili kay Jehova, tayo’y nangako na ating ibibigay sa kaniya ang pinakamabuti. Angkop kung gayon na pinasigla ni apostol Pedro ang unang siglong mga Kristiyano na gawin ang kanilang sukdulang makakaya upang matiyak ang kanilang katayuan sa harapan ni Jehova. (2 Ped. 1:10) Tiyak na nanaisin nating gawin ang ating sukdulang makakaya upang paluguran si Jehova sa paglilingkuran sa kaniya ngayon. Ano ang nasasangkot dito? Habang lumalalim ang ating relasyon kay Jehova at ating binubulay-bulay ang lahat ng kaniyang ginawa para sa atin, napakikilos ang ating puso na laging gawin ang pinakamabuti sa paglilingkod sa kaniya. Nanaisin nating pasulungin ang uri at, hangga’t maaari, ang dami ng ating ministeryo.—Awit 34:8; 2 Tim. 2:15.

2 Ang isang kabataang kapatid na lalaki na nagnanais na gumawa ng higit pa sa ministeryo ay nakasumpong na ang regular na pag-aaral ng Salita ng Diyos ay nagpalalim sa kaniyang pagpapahalaga kay Jehova at nagkintal sa kaniya ng higit na sigasig. Ito ang nagpakilos sa kaniya na mag-aplay para sa paglilingkurang payunir. Ang isang kapatid na babae na nahihirapang makipag-usap sa mga estranghero ay nag-ensayo ng ilang presentasyon sa aklat na Nangangatuwiran at di natagala’y nagtamasa ng mas malaking tagumpay sa kaniyang ministeryo. Siya’y nakapagdaos ng isang pag-aaral sa Bibliya sa isang mag-asawang tumanggap ng katotohanan.

3 Magalak sa Kaya Ninyong Gawin: Ang ilan sa atin ay nakararanas ng mahihirap na kalagayan gaya ng mahinang kalusugan, pagsalansang sa pamilya, kahirapan, o kawalang-interes sa teritoryo. Marami pang ibang suliranin na karaniwan sa mga huling araw na ito ay maaaring humadlang sa ating paglilingkod. (Luc. 21:34, tlb.; 2 Tim. 3:1) Ito ba’y nangangahulugan na tayo’y nabigo sa ating pag-aalay kay Jehova? Hindi kung tayo’y naglilingkod sa kaniya ayon sa ating sukdulang makakaya.

4 Hindi katalinuhang hatulan ang ating sarili salig sa kung ano ang nagagawa ng iba. Sa halip, tayo’y pinasisigla ng Kasulatan na “patunayan ng bawat isa kung ano ang kaniyang sariling gawa.” Ang lubusang paggamit ng ating sarili hanggang sa makakaya natin ay nakalulugod kay Jehova at nagbibigay sa atin ng ‘dahilan upang magbunyi.’—Gal. 6:4; Col. 3:23, 24.

5 Pakinggan nawa natin ang mga salita ni Pedro na ‘gawin ang ating sukdulang makakaya upang sa wakas ay masumpungan ng Diyos na walang batik at walang dungis at nasa kapayapaan.’ (2 Ped. 3:14) Ang gayong espiritu ay magbibigay sa atin ng katiwasayan at magdudulot sa atin ng kapayapaan ng isipan na si Jehova lamang ang makapagbibigay.—Awit 4:8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share