Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/97 p. 2
  • Makinabang Nang Mabuti sa Paaralan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Makinabang Nang Mabuti sa Paaralan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Dapat Ba Akong Huminto sa Pag-aaral?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
  • Ang Edukasyon na may Layunin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Ang Sekular na Edukasyon at ang Iyong Espirituwal na mga Tunguhin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Paano Ba Ako Pipili ng Isang Karera?
    Gumising!—1985
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 8/97 p. 2

Makinabang Nang Mabuti sa Paaralan

1 Ang ating mga kabataan ay nasa paaralan na ngayon sa mahigit na dalawang buwan. Bagaman may ilang mga hamon at kabalisahang kaakibat ng pagbalik sa paaralan, marami rin ang kapakinabangang matatamo ng mga kabataan na nagsisikap upang makamit ang pinakamabuti mula sa kanilang edukasyon.

2 Ang isang mabuting saligang edukasyon ay makaaabuloy sa espirituwal na pagsulong ng isa. Kung ano ang ginagawa ng isang tao sa panahon ng kaniyang kabataan ay may malaking epekto sa maaari niyang maisakatuparan bilang isang adulto. Kahit na sa pag-aaral, “anuman ang inihahasik ng isang tao, ito rin ang kaniyang aanihin.” (Gal. 6:7) Ang mga kabataang masikap na nag-aaral ng kanilang leksiyon sa paaralan ay maaaring magtamo ng kasanayan na magpapangyaring sila’y mapasa kalagayang higit na magagamit ni Jehova.

3 Ang maingat na patiunang pag-iisip ay kailangan upang makagawa ng tumpak na pagpili sa mga kurso sa paaralan. Dapat tulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na pumili niyaong magbibigay ng pinaka-praktikal na pagsasanay upang maabot ang espirituwal na mga tunguhin sa buhay. Sa pagpapasulong sa kanilang mga kasanayan, ang mga kabataan ay magkakaroon ng bentaha na masuportahan ang kanilang sarili sa gawaing pagpapayunir. Ang kanilang saligang edukasyon ay dapat na tumulong sa kanila na pumuri kay Jehova saanman sila naglilingkod.

4 Kayong mga kabataan, sikaping pakinabangang mabuti ang inyong mga taon sa paaralan. Sa paggawa nito, ipako ang pansin sa makabuluhan at kasiya-siyang buhay sa sagradong paglilingkod, sa halip na itaguyod ang makasanlibutang karera. Pagsikapang gamitin ang inyong buhay sa paggawa ng kalooban ni Jehova. Sa gayo’y pangyayarihin ninyong maging matagumpay ang inyong landasin, sa kapurihan ni Jehova.—Awit 1:3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share