Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/99 p. 1
  • “Magsagawa Kayo ng Pagtitiis”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Magsagawa Kayo ng Pagtitiis”
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Kailangan ang Pagtitiis sa Ating Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Maging Matiisin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
  • Matuto Mula sa Pagkamatiisin ni Jehova at ni Jesus
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Makapagtitiis Ka Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 1/99 p. 1

“Magsagawa Kayo ng Pagtitiis”

1 Habang nakikita nating lalong lumalapit ang katapusan ng matandang sistema ni Satanas, mahalaga na ‘magsagawa tayo ng pagtitiis’ samantalang hinihintay ang araw ng pagliligtas ni Jehova. Lalo na sa mga huling oras na ito, ang mga puwersa ng balakyot na kaaway ay determinado na ilihis ang ating atensiyon sa pinakapangunahing isyu hinggil sa pagkasoberano ni Jehova at tuksuhin tayo upang magambala ng napakaraming personal na mga interes. Sa ganitong paraan, lilinlangin tayo ni Satanas upang huminto o magmabagal sa gawaing pangangaral ng Kaharian. (Sant. 5:7, 8; Mat. 24:13, 14) Sa anu-anong paraan natin maipamamalas ang gayong kinakailangang pagtitiis?

2 Sa Pagiging Mapagpigil: Kapag napaharap tayo sa kawalang-interes o pagsalansang sa ating ministeryo, ang pagpipigil ay tutulong sa atin na magtiyaga sa pangangaral. Hindi tayo madaling matatakot o magagalit kung ang mga taong natatagpuan natin ay magaspang o masama ang ugali. (1 Ped. 2:23) Ang panloob na lakas na ito ay makahahadlang sa atin na magsalita nang negatibo tungkol sa mga tao sa ating teritoryo na walang-interes o salansang sa ating gawain, sa pagkatanto na ang gayong pagsasalita ay makasisira ng loob natin at ng mga kasama nating gumagawa sa ministeryo.

3 Sa Pamamagitan ng Pagtitiyaga: Nasasagad ang ating pagtitiis kapag matapos ang isang mabuting pakikipag-usap sa paglilingkod sa larangan ay hindi natin masumpungang muli sa tahanan ang interesadong taong iyon. Totoo rin ito kung ang mga pinagdarausan natin ng pag-aaral ay mababagal sumulong o manindigan sa katotohanan. Gayunpaman, ang pagtitiyaga ay kadalasang ginagantimpalaan ng mabubuting resulta. (Gal. 6:9) Isang sister ang dumalaw nang ilang ulit sa isang kabataang babae bago aktuwal na napasimulan ang isang pag-aaral ng Bibliya. Sa unang limang pagdalaw, ang babae ay masyadong abala sa ibang mga bagay. Sa ikaanim na pagdalaw, ang sister ay basang-basa dahil sa bagyo, upang malaman lamang na walang tao sa tahanan. Gayunpaman, palibhasa’y determinado na bigyan pa ng isang pagkakataon ang babae, muling dumalaw ang sister at nasumpungan na handa nang mag-aral ang babae. Mula noon, ang estudyante ay patuloy na sumulong at sa sandaling panahon ay nag-alay ng kaniyang buhay kay Jehova.

4 Alam natin na ang araw ni Jehova ay hindi na magtatagal. Kaya naghihintay tayo sa pagsasakatuparan niya ng mga bagay-bagay, yamang batid na ang pagtitiis ng Diyos ay nagluluwal na mabubuting bunga. (Hab. 2:3; 2 Ped. 3:9-15) Dapat tayong magsagawa ng pagtitiis gaya ni Jehova at huwag huminto sa ministeryo. “Sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtitiis,” umasa kay Jehova na gagantimpalaan kayo dahil sa inyong pagpapagal.—Heb. 6:10-12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share