Pulong sa Paglilingkod Para sa Enero
Linggo ng Enero 4-10
10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Gamiting Mabuti ang Mas Matatandang Aklat.” Tanong at sagot. Banggitin ang mas matatandang aklat na nasa inyong istak. Pasiglahin ang lahat na ialok ang mga ito sa Enero. Ilakip ang isang pagtatanghal ng isang maikli at simpleng presentasyon ng aklat na Nagkakaisa sa Pagsamba.
20 min: Maghanda Ngayon Upang Itaguyod ang Batas ng Diyos Hinggil sa Dugo. Tatalakayin ng isang kuwalipikadong matanda ang kahalagahan ng paglalagay ng impormasyon sa Advance Medical Directive/Release card. Ang kinasihang patnubay sa Awit 19:7 ay nagpapakita na ang Gawa 15:28, 29 ay isang kapahayagan ng sakdal na batas ng Diyos hinggil sa dugo. Ipinakikita ng dokumentong ito ang inyong determinasyon na itaguyod ang batas na iyon at upang ito’y magsalita para sa inyo kapag hindi na kayo makapagsalita sa ganang sarili. (Ihambing ang Kawikaan 22:3.) Pagkatapos ng pulong na ito, ang mga bautisadong mamamahayag ay bibigyan ng isang bagong card, at yaong may mga di-bautisadong menor-de-edad na mga anak ay tatanggap ng isang Identity Card para sa bawat bata. Ang mga card na ito ay hindi susulatan sa gabing ito. Ang mga ito ay maingat na susulatan sa bahay subalit HINDI pipirmahan. Ang pagpirma, pagsaksi, at pagpepetsa ng lahat ng card ay gagawin sa susunod na Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat, sa ilalim ng superbisyon ng konduktor ng pag-aaral sa aklat. Bago pumirma, tiyakin na lubusang nasulatan ang card. Dapat na aktuwal na makita ng mga pipirma bilang mga saksi na pinipirmahan ng may-ari ng card ang dokumento. Sa pamamagitan ng pag-aangkop ng mga salita mula sa card na ito sa kanilang sariling kalagayan at paniniwala, maaaring gawin ng mga di-bautisadong mamamahayag ang kanilang sariling direktiba para gamitin nila at ng kanilang mga anak.
Awit 61 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 11-17
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
20 min: “Ang Ating Kapasiyahan—Itaguyod ang Daan ni Jehova Ukol sa Buhay.” Isang pahayag.
15 min: “Magsagawa Kayo ng Pagtitiis.” Pag-uusap sa pagitan ng mga miyembro ng isang pamilya. Nirerepaso nila ang mga paraan kung paano nila higit na maipamamalas ang pagtitiis sa kanilang ministeryo. Ilakip ang angkop na mga komento mula sa Hunyo 15, 1995, Bantayan, pahina 12.
Awit 135 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 18-24
5 min: Lokal na mga patalastas.
12 min: “Maging Mabisa sa Inyong Ministeryo.” Tanong-sagot na pagtalakay sa mga parapo 1-7 ng insert.
13 min: “Mga Nangungunang Tagapangasiwa—Mga Konduktor sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat.” Pahayag ng isang huwarang konduktor sa pag-aaral ng aklat. Ilakip ang susing mga komento mula sa Organisado Upang Ganapin ang Ating Ministeryo, pahina 43-5, 74-6.
15 min: “Pagpapasimula ng mga Pag-aaral sa Brosyur na Hinihiling.” Tanong-sagot na pagsasaalang-alang sa artikulo sa pahina 6.
Awit 197 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 25-31
10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin din ang “Bagong Programa ng Pantanging Araw ng Asamblea.”
15 min: “Pagbabago sa Kahilingang Oras Para sa mga Payunir.” Pahayag ng matanda. Papurihan ang mga payunir sa kongregasyon, at pasiglahin ang marami pang mamamahayag na maglingkod bilang auxiliary at regular pioneer, na isinasaisip ang karagdagang gawain sa Marso, Abril, at Mayo. Ilakip ang impormasyon mula sa mga insert ng Pebrero 1997 at Hulyo 1998 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
20 min: “Maging Mabisa sa Inyong Ministeryo.” Tanong-sagot na pagtalakay sa mga parapo 8-21 ng insert.
Awit 225 at pansarang panalangin.