Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/99 p. 2
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Gamitin ang Aklat na Sambahin ang Diyos sa Pagdaraos ng mga Pag-aaral sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Bagong Kasangkapan na Tutulong sa mga Tao na Matutuhan ang mga Kahilingan ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • “Paano Ko Ngang Magagawa . . . Malibang May Umakay sa Akin?”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Ginagamit Mo Ba ang Brosyur na Hinihiling Upang Makapagpasimula ng mga Pag-aaral?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 7/99 p. 2

Tanong

◼ Anong mga publikasyon ang dapat pag-aralan natin kasama ng mga baguhan bago ang kanilang bautismo?

Bago maialay ng isang tao ang kaniyang buhay kay Jehova at mabautismuhan, kailangan muna siyang kumuha ng tumpak na kaalaman. (Juan 17:3) Matatamo niya ang impormasyong kakailanganin niya sa pamamagitan ng pag-aaral kapuwa ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? at ng aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan. Sa karamihan ng kaso, ang brosyur na Hinihiling ang unang pag-aaralan. Gayunman, kung ang pag-aaral ay napasimulan na sa aklat na Kaalaman, dapat pag-aralan ang brosyur na Hinihiling kapag natapos nang pag-aralan ang aklat. Bakit kinakailangan ito?

Ang brosyur na Hinihiling ay naglalaan ng pangkalahatang kaalaman sa mga saligang turo ng Bibliya. Kung ito’y unang pinag-aralan, ito’y magbibigay sa estudyante ng saligang kaalaman sa mga kahilingan para paluguran si Jehova. Kung ito’y huling pinag-aralan, ito’y magsisilbing isang mainam na repaso sa mga sinaklaw sa aklat na Kaalaman. Sa anumang kaso, pasiglahin ang estudyante na tingnan ang umaalalay na mga kasulatan at bulay-bulayin ang mga ito. Tiyaking itampok ang mga larawan, yamang ang mga ito ay mga napakabisang pantulong sa pagtuturo.—Tingnan ang Enero 15, 1997, Bantayan, pahina 16-17.

Minsang ang isang estudyante sa Bibliya ay nakatapos na sa pag-aaral sa dalawang publikasyon, maaaring masagot na niya ang lahat ng katanungang rerepasuhin sa kaniya ng matatanda bilang paghahanda sa bautismo. Kung gayon, hindi na kakailanganin pang pormal na magdaos sa kaniya ng pag-aaral sa alinmang ibang publikasyon, bagaman ang konduktor ay dapat na patuloy na magkaroon ng aktibong interes sa kaniyang pagsulong.—Tingnan ang Enero 15, 1996, Bantayan, pahina 14, 17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share