Gamitin ang Aklat na Sambahin ang Diyos sa Pagdaraos ng mga Pag-aaral sa Bibliya
Ang aklat na Sambahin ang Tanging Tunay na Diyos ay dinisenyo upang tulungan ang mga baguhan na sumulong sa katotohanan at palalimin ang kanilang pagpapahalaga kay Jehova at sa kaniyang organisasyon. Magagamit ito sa mga estudyante sa Bibliya bilang ikalawang aklat na pag-aaralan. Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ng Hunyo 2000, pahina 4 ay nagpapaliwanag: “Kung maliwanag na ang isang tao ay gumagawa ng pagsulong, bagaman mabagal, at siya’y nagkakaroon ng pagpapahalaga sa kaniyang natututuhan, kung gayo’y ipagpatuloy ang pag-aaral sa Bibliya sa ikalawang aklat pagkatapos makumpleto ang brosyur na Hinihiling at ang aklat na Kaalaman. . . . Sa lahat ng kaso, ang brosyur na Hinihiling at ang aklat na Kaalaman ang unang pag-aaralan. Ang pag-aaral sa Bibliya, mga pagdalaw-muli, at panahong ginugol upang ipagpatuloy ang pag-aaral ay dapat bilangin at iulat, kahit na ang estudyante ay nabautismuhan na bago pa makumpleto ang ikalawang aklat.”
Sino pa ang makikinabang sa pag-aaral ng Bibliya sa aklat na Sambahin ang Diyos? Ang artikulo ring iyon ay nagpapatuloy: “Kung may kilala kayong ilan na dati nang nag-aral ng [brosyur na Hinihiling at] aklat na Kaalaman subalit hindi sumulong tungo sa pag-aalay at bautismo, nanaisin ninyong gumawa ng hakbang upang matiyak kung gusto nilang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa Bibliya.” Gumawa tayo ng pantanging pagsisikap na mapasimulan ang mga pag-aaral sa aklat na Sambahin ang Diyos sa gayong mga indibiduwal sa Abril at Mayo.