Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/99 p. 8
  • Ano ang Sasabihin Mo sa Isang Budista?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Sasabihin Mo sa Isang Budista?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Kaparehong Materyal
  • “Bawat Tekstong Kaniyang Binasa ay Umantig sa Aking Puso”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kung Papaano Ninyo Maaaring Sagutin ang Mga Pagtutol
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Bahagi 8—c. 563 B.C.E. patuloy—Isang Kaliwanagan na Nangako ng Pagpapalaya
    Gumising!—1989
  • Pagtulong sa mga Hindi Pa Handa sa Aklat na Itinuturo ng Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 8/99 p. 8

Ano ang Sasabihin Mo sa Isang Budista?

1 Sa ilang lupain, mahigit sa kalahati ng mga nababautismuhan ang galing sa Budismo. Ano ang nakaaakit sa kanila sa katotohanan? Yamang sa Pilipinas ay maraming Tsino na pinalaki bilang mga Budista, paano natin maihaharap sa kanila ang mabuting balita?

2 Magpakita ng Tunay na Pagmamalasakit: Maraming dating Budista ang nagsabi na hindi malalim na pangangatuwiran ang nakaakit sa kanila sa katotohanan. Sa halip, naantig ang kanilang damdamin dahilan sa tunay na personal na pagmamalasakit na ipinakita sa kanila. Isang babaing taga-Asia na nakatira sa Estados Unidos ang lubhang humanga sa pagiging palakaibigan ng sister na dumalaw sa kaniya anupat sumang-ayon siyang makipag-aral. Hindi siya masyadong makapagsalita ng Ingles, subalit naging matiyaga ang sister. Kapag ang babae ay pagod o hindi maaaring makipag-aral, gumagawa na lamang ang sister ng palakaibigang pagdalaw at isinasaayos ang susunod na pag-aaral. Sa dakong huli, ang babae, ang kaniyang dalawang anak na lalaki, at ang kaniyang may-edad nang ina ay nabautismuhan. Siya’y nagbalik sa kaniyang lupang sinilangan at tumulong sa maraming iba pa na matuto ng katotohanan. Isa sa kaniyang mga anak na lalaki ang naglilingkod ngayon sa tanggapang pansangay. Kay daming pagpapala ang idinulot ng pagpapakita ng ‘kabaitan at pag-ibig ni Jehova sa mga tao’!—Tito 3:4.

3 Kaisipang Budista: Ang mga Budista ay karaniwang mapagparaya sa ibang mga ideya, subalit hindi nila itinuturing na mahalagang sundin ang espesipikong doktrina. Kaya nagkakaiba-iba ang kanilang indibiduwal na mga paniniwala. Ang isang karaniwang tema sa isang sangay ng turong Budista ay na ang buhay ay puspos ng pagdurusa, subalit sa pamamagitan ng kaliwanagan, mapahihinto ng isa ang patuloy na siklo ng muling pagsilang tungo sa di-kanais-nais na buhay. Sinasabi na upang lumaya sa siklong ito, kailangang matamo ng isa ang Nirvana, isang kalagayang hindi kayang ilarawan sapagkat hindi ito isang dako o pangyayari kundi, sa halip, isang kahungkagan na doo’y walang kirot at kasamaan. (Tingnan ang Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay?, pahina 9-10.) Ano ang ipinahihiwatig nito sa atin? Na hindi magiging mabunga ang pakikipagdebate sa mga tao hinggil sa pilosopiyang Budista. Sa halip, talakayin ang karaniwang mga problema na ikinababahala ng lahat.

4 Idiin ang Magkaparehong Interes: Yamang karaniwan nang iniuugnay ng mga Budista ang buhay sa lupa sa pagdurusa, ang ideya hinggil sa walang-hanggang buhay sa lupa ay maaaring magmukhang kakatwa sa kanila. Subalit, tayong lahat ay may iisang pagnanais na magtamasa ng maligayang buhay pampamilya, makitang wala nang pagdurusa, at malaman ang kahulugan ng buhay. Pansinin kung paano maitatampok ang gayong magkaparehong pangangailangan.

5 Maaari ninyong subukan ang pambungad na ito:

◼ “Tayo’y nabubuhay ngayon sa isang daigdig na maraming inosenteng tao ang nagdurusa. Ano sa palagay ninyo ang kailangan upang matapos ang kirot at kahirapan ng lahat? [Hayaang sumagot.] May sinaunang pangako na lubhang nakaaliw sa akin. [Basahin ang Apocalipsis 21:4.] Sabihin pa, hindi pa dumarating ang panahong iyon, subalit kung iyon ay dumating, nais nating makita iyon, hindi ba?” Pagkatapos ay ialok ang isang publikasyong nagpapaliwanag kung paano magwawakas ang pagdurusa.

6 Sa isang nakatatandang tao, maaari ninyong sabihin:

◼ “Marahil kayo’y kagaya kong nababahala sa kasalukuyang pagbaha ng masasamang ideya at sa epekto nito sa ating mga anak. Bakit kaya may ganitong paglago ng imoralidad sa mga kabataan? [Hayaang sumagot.] Alam ba ninyo na inihula ito sa isang aklat na pinasimulang isulat matagal pa bago itatag ang mga relihiyon ng Muslim, Kristiyano, at Hindu? [Basahin ang 2 Timoteo 3:1-3.] Pansinin na ang mga kalagayang ito ay namamalagi sa kabila ng patuloy na pagkuha ng kaalaman. [Basahin ang talatang 7.] Ang publikasyong ito ay nakatulong sa akin na maunawaan ang katotohanan na hindi kailanman natutuhan ng maraming tao. Nais ba ninyong basahin ito?” Ialok ang angkop na aklat o brosyur.

 7 Karaniwan nang iginagalang ng mga Budista ang Bibliya bilang isang sagradong akda. Kaya bumasa nang tuwiran mula rito. (Heb. 4:12) Kung hindi gusto ng tao ang impluwensiya ng kulturang Kanluranin, banggitin sa kaniya na ang lahat ng manunulat ng Bibliya ay taga-Asia.

 8 Aling mga Publikasyon ang Pinakamabisa? Bukod pa sa ating mga tract, na makukuha sa wikang Tsino, naging matagumpay ang maraming mamamahayag sa paggamit ng sumusunod na literatura: ang mga aklat na Paghahanap ng Tao sa Diyos, Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya, at Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas; ang mga brosyur na “Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng mga Bagay,” at Ano ang Layunin ng Buhay—Paano Mo Masusumpungan?; at, kung mayroon pa, ang Kingdom News Blg. 35, Mag-iibigan pa Kaya sa Isa’t Isa ang Lahat ng Tao? Ang karamihan sa mga Budista na ngayo’y natututo ng katotohanan ay nag-aaral muna sa brosyur na Hinihiling at pagkatapos ay sa aklat na Kaalaman.

 9 Bagaman ang mga misyonerong Budista ay nakarating diumano sa Atenas halos 400 taon bago nangaral doon si Pablo, hindi matiyak kung nakasumpong siya roon ng isang tao na naimpluwensiyahan ng kaisipang Budista. Gayunman, alam natin kung ano ang nadama ni Pablo hinggil sa pagpapatotoo sa lahat ng uri ng mga tao. Ginawa niya ang kaniyang sarili na “alipin ng lahat” upang ‘sa anumang paraan ay mailigtas niya ang ilan.’ (1 Cor. 9:19-23) Magagawa rin natin ang gayon sa pamamagitan ng pagpapakita ng personal na interes sa mga tao at sa pamamagitan ng pagdiriin sa pag-asa na pinanghahawakan nating lahat habang nagpapatotoo tayo sa lahat ng nasusumpungan natin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share