Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/99 p. 7
  • Kayo Ba’y Lilipat?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kayo Ba’y Lilipat?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Paano Makakapag-adjust sa Bagong Kongregasyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2024
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Patibayin ang Kongregasyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Purihin ng Kongregasyon si Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 10/99 p. 7

Kayo Ba’y Lilipat?

Kapag ang sagot sa tanong na ito ay oo, maraming bagay na kakailanganin ninyo at ng iba pa na gawin nang kusa. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga pangunahing hakbanging binalangkas sa ibaba, madali kayong makapipirmi nang maayos sa inyong bagong kongregasyon.

(1) Kapag tiyak na ninyo kung saan kayo pupunta, maaaring makuha ng kasalukuyang kalihim ng inyong kongregasyon ang direksiyon ng Kingdom Hall ng inyong bagong kongregasyon. Pagdating sa lugar na iyon, karaka-rakang hanapin ang bulwagan at tiyakin kung kailan ang mga pulong ng kongregasyon. Kung mahigit sa isang kongregasyon ang gumagamit ng Kingdom Hall, itanong sa matatanda kung aling kongregasyon ang nakasasakop sa teritoryong inyong tinitirahan. Huwag ipagpaliban ang inyong pagdalo sa mga pulong at ang pakikipagkilala sa lokal na matatanda.

(2) Ang mga kalihim kapuwa sa inyong kasalukuyang kongregasyon at sa inyong bagong nilipatan ay magtutulungan sa paglilipat ng mga Congregation’s Publisher Record card ninyo at ng inyong pamilya. Isang sulat ng pagpapakilala sa inyo ang ipadadala rin sa matatanda sa inyong bagong kongregasyon. (Tingnan ang “Tanong” sa Marso 1991 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.) Pahihiwatigan ng Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon doon ang angkop na konduktor ng pag-aaral sa aklat hinggil sa inyong pagdating upang siya’y makipag-ugnayan sa inyo at tumulong sa inyo na matagpuan ang inyong bagong grupo ng pag-aaral sa aklat.—Roma 15:7.

(3) Ang lahat ng mamamahayag sa inyong bagong kongregasyon ay may gagampanang nakagagalak na bahagi—ang makipagkilala sa inyo at ipadama sa inyo na kayo’y tinatanggap. (Ihambing ang 3 Juan 8.) Sabihin pa, ito’y nangangahulugan na kayo’y dapat na presente sa mga pulong upang matamasa ninyo ang pakikipagpalitan ng pampasigla at pampatibay-loob sa mga kapatid na lalaki at babae.

(4) Kayo ay hindi dapat maghintay na matapos muna ang lahat ng gawaing nasasangkot sa paglipat bago makibahagi sa ministeryo sa larangan kasama ng inyong bagong kongregasyon. Habang inuuna ninyo ang mga kapakanan ng Kaharian, ang iba pang mga bagay ay maaasikaso, at madarama ninyo ang lubos na kaginhawahan sa inyong bagong kapaligiran. (Mat. 6:33) Kapag kayo ay nakapirmi na nang maayos sa inyong bagong tahanan, malamang na gugustuhin ninyong anyayahan ang ilan sa kongregasyon upang dumalaw sa inyo at nang higit pa kayong magkakilala.—Roma 12:13b.

Ang paglipat ay isang malaking proyekto. Gayunman, kapag isinagawa ng bawat isa ang iminungkahi, hindi magkakaroon ng hadlang sa espirituwal. Ang lahat ay hahanga sa ating maibiging Kristiyanong pagkakapatiran.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share