Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/99 p. 7
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Hindi Pinababayaan ang Bahay ng Ating Diyos
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Panatilihin Nating Maayos ang Kalagayan ng Ating Dako ng Pagsamba
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Paano Namin Minamantini ang Aming Kingdom Hall?
    Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?
  • Iginagalang Ba Ninyo ang Inyong Kingdom Hall?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 11/99 p. 7

Tanong

◼ Sino ang may pananagutan sa paglilinis ng Kingdom Hall?

Ang isang Kingdom Hall na malinis at kaakit-akit ay may magandang epekto sa mensahe na ating ipinangangaral. (Ihambing ang 1 Pedro 2:12.) Mahalaga na panatilihing masinop at malinis ang bulwagan, at ang lahat ay maaaring magkaroon ng bahagi sa pagmamantini rito. Hindi natin dapat asahan na ang ilang tao lamang ang babalikat sa lahat ng gawain. Karaniwan na, ang paglilinis ay isinasaayos ayon sa mga grupo ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat, na pinangungunahan ng konduktor sa pag-aaral o ng kaniyang katulong. Sa mga bulwagan na mahigit sa isang kongregasyon ang nagpupulong, oorganisahin ng matatanda ang mga bagay-bagay upang ang lahat ng kongregasyon ay magkaroon ng bahagi sa pagmamantini.

Paano natin mabisang magagampanan ang pananagutang ito? Ang Kingdom Hall ay dapat na linisin ayon sa isang regular na iskedyul. Ang mga suplay at kagamitan ay dapat na madaling makuha para magamit sa paglilinis. Ang isang listahan ng dapat na gawin ay kailangang ipaskil sa lugar na maaaring tingnan ng mga manggagawa ukol sa tagubilin. Maaaring magkaroon ng dalawang magkaibang listahan, isa para sa isang pangkalahatang bahagyang paglilinis pagkatapos ng bawat pulong at isa pa para sa isang mas masusing paglilinis linggu-linggo. Dapat na iiskedyul ng konduktor sa pag-aaral ng aklat ang masusing paglilinis sa araw at oras na kombinyente sa lahat ng inatasan. Dapat ding pag-ukulan ng regular na pansin ang damuhan, mga bulaklak, at mga palumpong. Ang mga daanan ng tao at mga paradahan ay dapat na panatilihing walang kalat. Isang pangkalahatang paglilinis ang dapat na gawin taun-taon, marahil bago ang Memoryal. Maaaring kabilang dito ang paghuhugas sa mga bintana, dingding, at mga kurtina.

Sabihin pa, mapagagaan nating lahat ang gawain sa pamamagitan ng hindi pagtatapon ng chewing gum o dumi sa loob o labas ng bulwagan. Maaari nating linisin ang palikuran matapos gamitin, anupat iniiwan itong malinis para sa susunod na gagamit. Mag-ingat upang hindi makasira ng kagamitan o makapinsala ng mga muwebles. Pansinin ang mga mantsa sa sahig, mga nasirang upuan, mga problema sa mga tubo, napunding mga bombilya, at iba pa, at karaka-rakang iulat ang mga bagay na ito sa mga kapatid na may pananagutan sa pagmamantini ng Kingdom Hall.

Maging handa sana tayong lahat na gawin ang ating bahagi. Ito ay lilikha ng isang kalugud-lugod na bahay-sambahan at magpapakilala sa atin bilang isang malinis na bayan na nagpaparangal sa Diyos na Jehova.—1 Ped. 1:16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share