Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/00 p. 4
  • Matamang Makinig sa mga Sagradong Kapahayagan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Matamang Makinig sa mga Sagradong Kapahayagan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Kaparehong Materyal
  • ‘Makinig at Kumuha ng Higit Pang Turo’
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Makinig at Matuto
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • 1985 “Mga Nag-iingat ng Katapatan“ na Kumbensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • Halikayo sa “Dalisay na Wika” na Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 11/00 p. 4

Matamang Makinig sa mga Sagradong Kapahayagan

1 Hindi lahat ng sinalita ng tao ay karapat-dapat sa pantanging pansin. Subalit kapag ang Diyos ang nagsasalita, may mahalagang dahilan upang makinig. (Deut. 28:1, 2) Mabuti na lamang, iniulat ng mga kinasihang manunulat “ang mga sagradong kapahayagan ng Diyos” para sa ating kapakinabangan. (Roma 3:2) Ang dumarating na pandistritong kombensiyon ay maglalaan ng mahahalagang pagkakataon upang marinig ang mga kapahayagang ito habang ang mga ito ay binabasa at tinatalakay. Paano kayo lalo nang makakapakinig?

2 Dumating Nang Maaga Bawat Umaga: Gunigunihin ang pananabik ng mga Israelita nang sila’y sabihang humarap kay Jehova sa Bundok Sinai upang makinig sa kaniyang Kautusan! (Ex. 19:10, 11, 16-19) Kung taglay ninyo ang gayunding saloobin hinggil sa pagtanggap ng instruksiyon ni Jehova sa pandistritong kombensiyon, gagawa kayo ng kaayusan upang makarating nang maaga bawat araw. Hindi natin mapapakinggan ang buong programa kung tayo ay darating nang huli at makagagambala sa iba dahil sa ating pagsisikap na humanap ng mauupuan.

3 Maging ang ilang dumarating nang maaga ay wala sa kanilang mga upuan sa pagsisimula ng sesyon. Bakit gayon? Hinihintay nilang banggitin ng tsirman ang pambungad na awit bago sila tumigil sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at saka pa lamang magtutungo sa kanilang mga upuan. Dapat nating pansinin na ilang minuto pa bago ang pambungad na awit ng bawat sesyon, ang tsirman ay uupo na sa plataporma samantalang tumutugtog ang panimulang musikang pang-Kaharian. Ito ang ating hudyat na oras na upang umupo! Pagkatapos, kapag ang pambungad na awit ay binanggit na, tayo ay magiging handa nang sumabay sa pag-awit ng mga papuri kay Jehova.

4 Makinig Bilang Isang Nagkakaisang Pamilya: Kapag ang mga sagradong kapahayagan ay binabasa sa nagtitipong mga Israelita, ang mga pamilya, kasama na ang “maliliit na bata,” ay dapat na makinig at matuto. (Deut. 31:12) Sa ating mga kombensiyon, ang mga bata ay hindi dapat “pinababayaan.” (Kaw. 29:15) Mga magulang, isaayos na umupong magkakasama ang inyong buong pamilya—lakip na ang mga tin-edyer. Ang ilang magulang ay naghihintay ng pambungad na awit bago dalhin sa palikuran ang kanilang mumunting mga anak. Gayunman, hindi nito maituturo sa mga anak ang kahalagahan ng mga awit at mga panalangin sa ating pagsamba. Anong buti nga kung aasikasuhin ang mga pangangailangan sa palikuran bago magsimula ang bawat sesyon hangga’t maaari!

5 Makatutulong sa ating pakikinig kung tayo’y magpapahingang mabuti bawat gabi at iiwasan na masyadong mabusog sa araw. Magpako ng pansin sa sinasabi ng tagapagsalita. Huwag pahintulutang gumala-gala ang inyong isipan. Sumubaybay sa Bibliya kapag binabasa ang mga kasulatan. Kumuha ng maiikling nota. Habang binibigkas ang bawat pahayag, repasuhin sa inyong isip kung ano ang sinabi ng tagapagsalita, at isaalang-alang kung paano ninyo ikakapit ang materyal. Sa katapusan ng araw, pag-usapan ang programa bilang isang pamilya. Anong mga punto ang nagustuhan ng bawat isa? Paano magagamit na mabuti ng inyong pamilya ang impormasyong ito?

6 Ipakita ang Paggalang sa Salita ng Diyos: Ang mga kombensiyon ay nagbibigay sa atin ng mainam na pagkakataon upang makipag-usap sa mga kaibigan at matamasa ang nakapagpapatibay na pagsasamahan. Sa pamamagitan ng maagang pagdating, magkakaroon tayo ng panahon upang makipag-usap bago magsimula ang programa. Gayunman, ang ilan ay nag-uusap sa panahon ng programa sa pag-aakalang kakaunting pagkagambala lamang ang nalilikha nito sa isang malaking awditoryum. Kahit na ang mga pulong ay idinaraos nang malakihan, ito ay isang panahon upang makinig gaya ng pagdalo sa isang pulong sa Kingdom Hall. Ang paggamit ng mga cellular phone, pager, camcorder, at mga camera ay hindi dapat pahintulutang lumikha ng mga pagkagambala sa panahon ng programa.

7 Habang tinatanggap ni Moises ang Kautusan mula kay Jehova, “hindi siya kumain ng tinapay at hindi siya uminom ng tubig.” (Ex. 34:28) Sa katulad na paraan, hindi magiging angkop na kumain o uminom habang nagaganap ang sesyon sa kombensiyon. Maliban lamang kung maseselan na salik pangkalusugan ang nasasangkot, maghintay sa “takdang panahon” para rito.—Ecles. 3:1.

8 Sa ilang kombensiyon, patuloy na nagiging isang suliranin ang maraming kapatid na lalaki at babae at maging ang mga kabataan na pagala-gala sa mga pasilyo sa panahon ng mga sesyon. Ang mga attendant ay tatagubilinan na hilingin sa mga ito na bumalik sa awditoryum. Ang mga boluntaryo na gumagawa sa iba’t ibang departamento ay dapat na umupo kaagad sa dako ng mga tagapakinig kapag natapos na ang kanilang gawain. Malibang inatasan ang mga boluntaryo ng mahalagang gawain sa panahon ng sesyon, sila’y dapat na nasa kanilang mga upuan at nakikinig sa programa. Hindi sila dapat na tumayu-tayo sa mga departamento, na pinapasyalan ang isa’t isa samantalang idinaraos ang programa.

9 Hindi natin kailanman nanaising maging ‘mapurol sa ating pakikinig’ kapag nakikinig sa Salita ng Diyos. (Heb. 5:11) Nawa’y maging pasiya natin na magpakita ng nararapat na paggalang sa pamamagitan ng matamang pakikinig habang tinatalakay ang mga sagradong kapahayagan mula kay Jehova sa ating dumarating na pandistritong kombensiyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share