Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/01 p. 4
  • ‘Makinig at Kumuha ng Higit Pang Turo’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Makinig at Kumuha ng Higit Pang Turo’
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Matamang Makinig sa mga Sagradong Kapahayagan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Makinig at Matuto
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Halikayo sa “Dalisay na Wika” na Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Pagtitipon Nang Sama-sama Upang Purihin si Jehova
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 11/01 p. 4

‘Makinig at Kumuha ng Higit Pang Turo’

1 Inilalarawan sa aklat ng Mga Kawikaan na ang karunungan ay nananawagan: “Makinig kayo, sapagkat tungkol sa pangunahing mga bagay ang aking sinasalita, at ang buka ng aking mga labi ay tungkol sa katapatan. Ako ay may payo at praktikal na karunungan. . . . Makinig kayo sa akin; oo, maligaya ang mga nag-iingat ng aking mga daan. Sapagkat yaong nakasusumpong sa akin ay tiyak na makasusumpong ng buhay, at nagtatamo ng kabutihang-loob mula kay Jehova.” (Kaw. 8:​6, 14, 32, 35) Ang mga salitang iyan ay naglalarawang mabuti sa turo na naghihintay sa atin sa “Mga Guro ng Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon.

2 Ang mga pangangailangan ng pambuong daigdig na kapatiran ay sinuring mabuti, at ang programa ng kombensiyon ay inihanda upang matugunan ang mga pangangailangang iyon. Kung ikakapit ang ihaharap na espirituwal na mga turo at praktikal na mga mungkahi, ito ay makatutulong sa atin upang maging maligaya, mapanatili ang isang mabuting kaugnayan kay Jehova, at makapanatili sa daan tungo sa buhay na walang hanggan. Walang alinlangan, taglay natin ang mabubuting dahilan upang ‘makinig at kumuha ng higit pang turo.’​—Kaw. 1:5.

3 Bago Magsimula ang Programa: Upang makinabang nang lubusan sa mga bagay na inihaharap, kailangang tayo ay nasa ating mga upuan na at nasa wastong kalagayan ng isip kapag nagsimula ang programa. Ito ay nangangailangan ng mabuting personal na organisasyon. Isang susing salik ang pagsisimula nang maaga. Matulog nang maaga sa gabi bago ang kombensiyon. Bumangon nang maagá-agá upang mabigyan ng panahong maghanda at magkaroon ng pagkain ang bawat isa sa inyong grupo. Dumating nang maaga sa lugar ng kombensiyon upang makasumpong kayo ng upuan at maisaayos ang kinakailangang mga bagay bago magsimula ang programa.

4 Yamang pangunahing layunin ng pagtitipon ang purihin si Jehova “sa gitna ng mga nagkakatipong karamihan,” ang bawat sesyon ay dapat buksan sa paraang darakila sa ating Diyos. (Awit 26:12) Dahil diyan, ang lahat ay pinasisiglang maupo bago ipatalastas ang pambukas na awit. Ito ay kasuwato ng payo ng Kasulatan: “Maganap [nawa] ang lahat ng bagay nang disente at ayon sa kaayusan.” (1 Cor. 14:40) Ano ang kahulugan niyan para sa bawat isa sa atin? Kapag nakita mo ang tsirman na umupo na sa plataporma sa panahon ng pambungad na musika, karaka-raka kang umupo. Dahil dito, magagawa mong magkaroon ng bahagi sa pambukas na awit bawat sesyon, na nagpapailanlang ng papuri kay Jehova.​—Awit 149:1.

5 Sa Panahon ng Programa: “Inihanda ni Ezra ang kaniyang puso upang sumangguni sa kautusan ni Jehova at upang magsagawa niyaon.” (Ezra 7:10) Paano natin maihahanda ang ating puso upang tanggapin ang turo na inilalaan ni Jehova? Samantalang nirerepaso mo ang mga pamagat ng iba’t ibang bahaging nakatalâ sa nakaimprentang programa, tanungin ang iyong sarili, ‘Ano ang sinasabi sa akin ni Jehova sa pamamagitan ng programang ito? Paano ko magagamit ang impormasyon upang ako at ang aking pamilya ay makinabang?’ (Isa. 30:21; Efe. 5:17) Patuloy na magbangon ng gayong mga katanungan sa kabuuan ng kombensiyon. Itala ang mga puntong pinaplano mong gamitin. Maglaan ng panahon upang talakayin ang mga iyon sa katapusan ng mga sesyon bawat araw. Ito ay makatutulong sa iyo upang matandaan at maikapit ang impormasyon.

6 Ang pagtutuon ng pansin sa loob ng ilang oras sa isang pagkakataon ay maaaring maging isang hamon. Ano ang makatutulong sa atin upang mapaglabanan ang hilig na magpagala-gala ang isipan? Samantalahin ang kapangyarihan ng mata. Sa kalakhang bahagi, ang pinagtutuunan natin ng ating mga mata ang siyang kumukuha ng ating pansin. (Mat. 6:22) Kaya, paglabanan ang likas na hilig na bigyang-pansin ang bawat ingay o galaw. Panatilihing nakatuon ang iyong mga mata sa tagapagsalita. Sumubaybay sa iyong sipi ng Bibliya kapag binabasa ang isang kasulatan, at panatilihing nakabukas ang iyong Bibliya habang tinatalakay ang teksto.

7 Ang Kristiyanong pag-ibig ay magpapakilos sa atin na iwasang makagambala sa iba habang nagaganap ang programa. (1 Cor. 13:5) Ito ay “panahon ng pagtahimik” at pakikinig. (Ecles. 3:7) Kaya, iwasan ang di-kinakailangang pagsasalita at paglalakad. Bawasan ang pagpunta sa palikuran sa pamamagitan ng patiunang pagpaplano. Huwag kumain o uminom hanggang sa itinakdang oras, malibang may nasasangkot na malulubhang salik sa kalusugan. Yaong mga nagdadala ng mga cellular phone, pager, camcorder, at mga kamera ay hindi dapat gumamit ng mga ito sa paraang makagagambala sa iba. Dapat na isaayos ng mga magulang na ang kanilang buong pamilya​—kasama na ang mga tin-edyer​—ay maupong magkakasama upang wasto nilang mapangasiwaan ang kanilang mga anak.​—Kaw. 29:15.

8 Nang nakaraang taon isang matanda na palaging dumadalo sa mga kombensiyon sa loob ng maraming dekada ang nakapansin: “Sa palagay ko ang kombensiyong ito ay namumukod-tangi dahil sa iba pang kadahilanan. Halos lahat ng tagapakinig ay kumukuha ng mga nota, lakip na ang maliliit na bata. Nakalulugod na makita ito. Ang Bibliya ay ginagamit na mabuti kapag hinihiling ng mga tagapagsalita na buksan ang mga ito sa mga espesipikong talata.” Ang gayong matamang pakikinig ay tunay na kapuri-puri. Hindi lamang ito nagdudulot ng mga kapakinabangan sa atin at sa ating kapuwa mga delegado sa kombensiyon kundi higit sa lahat ay lumuluwalhati sa ating Dakilang Tagapagturo, ang Diyos na Jehova.​—Isa. 30:20.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share