1985 “Mga Nag-iingat ng Katapatan“ na Kumbensiyon
Habang sumasama ang kasalukuyang sistema ng mga bagay, ang katapatan ng mga tunay na tagasunod ni Kristo ay patuloy na masusubukan. Paulit-ulit na pinagsisikapan ni Satanas na sirain ang katapatan ng mga lingkod ni Jehova sa pamamagitan ng mapandaya at tuwirang paraan. Ang mga taong kagaya nina Job at David ay nag-ingat ng kanilang katapatan, at ang ulat ng kanilang katapatan ay naingatan ukol sa ating ikatitibay. (1 Hari 9:4; Job 27:5; Roma 15:4) Gaya sa mga tapat na tao noong una, saganang ipinagkakaloob ni Jehova ang kaniyang banal na espiritu sa mga nag-iingat ng kanilang katapatan sa ngayon.
Ang 1985 “Mga Nag-iingat ng Katapatan” na Kumbensiyon ay magbibigay ng impormasyon na tutulong sa atin na makapanatiling matatag. Ang integridad ay humihiling ng walang pagkumpromisong katapatan sa mga batas ni Jehova at mga simulain sa lahat ng panahon, hindi lamang sa mga kaayaayang kalagayan. Ito ay humihiling ng malalim na pananampalataya kay Jehova at pagtitiwala sa kaniyang paglalaan ng banal na espiritu. Ngayon ay inaasam-asam natin ang kumbensiyon upang tumanggap ng tagubilin na tutulong sa atin na patuloy na lumakad sa katapatan.—Awit 26:1, 11.
DALUHAN ANG BUONG APAT NA ARAW: May plano na ba kayo na daluhan ang buong apat na araw? Mula sa pagbubukas ng sesyon sa Huwebes sa 1:30 n.h. hanggang sa pangwakas na panalangin sa Linggo ng hapon, mahahalagang impormasyon para sa ating espirituwal na kalusugan ang ihaharap. Huwag na di madaluhan ang kahit na isang sesyon, kahit na ito ay mangahulugan ng pagsasakripisyo sa inyong bahagi. Kung magsasagawa kayo ng tunay na pagsisikap, si Jehova ay mayamang magpapala sa inyo.
Pinasisigla namin kayo na dumating nang maaga bawa’t araw at lumagay sa inyong dako bago magsimula ang sesyon. Ito ay magbibigay sa inyo ng pagkakataon na tamasahin ang pakikipagsamahan sa inyong mga kapatid mula sa ibang dako. Ito rin naman ay magpapangyari na makasama kayo sa pagpuri kay Jehova sa pag-awit at makabahagi sa pambukas na panalangin. Yaong mga nauupo sa palibot ninyo ay matutuwa na hindi ninyo nagambala ang kanilang pakikinig sa programa dahilan sa pagdating nang huli. Kaya ang Kristiyanong pag-ibig ay magpapakilos sa atin na gawin ang ating makakaya upang dumating nang nasa oras.
Ang mga lugar ng kumbensiyon ay pinili upang maiwasan ang pagsisiksikan hangga’t maaari. Kaya, kung posible, hinihimok namin kayo na daluhan ang kumbensiyon na doo’y naatasan ang inyong sirkito. Ito’y mahalaga lalo na sa lugar ng Maynila.
MAKINIG AT MATUTO: Si Jesus ay nagpayo sa kaniyang mga tagasunod, “Ingatan ninyo kung paano ang inyong pakikinig.” (Luk. 8:18) Nalalaman niya na sa pamamagitan lamang ng pagkakapit sa ating natututuhan tayo ay susulong sa pagpapabuti sa uri ng ating paglilingkod kay Jehova. Sa bawa’t taon ang programa ng pandistritong kumbensiyon ay pantanging dinisenyo para sa pangangailangan ng bayan ng Diyos. Kung tayo ay maingat na makikinig sa mga tagubilin, hindi lamang tayo mapapasigla at mapapatibay sa espirituwal kundi makatatanggap ng patnubay sa ngayon mula kay Jehova sa pamamagitan ng “tapat at maingat na alipin.” (Mateo 24:45-47) Ito ay mahalaga sa ating pananatili sa teokratikong kaayusan.
Ano ang ilan sa mga bagay na magagawa ninyo upang makapakinig na mabuti sa programa? Ang isang napakahalagang bagay ay ang magkaroon ng mahimbing na tulog sa gabi upang kayo ay makadama ng ginhawa sa umaga at makapanatiling alisto sa buong araw. Kung iingatan natin sa kaisipan na ang ating pangunahing layunin ay upang daluhan ang programa ng kumbensiyon, ito ay makatutulong sa atin na maging timbang sa paraan ng paggamit natin sa gabi.
Ang isa pang paraan upang manatiling alisto at makinabang nang lubusan sa programa ay ang pagkuha ng mga nota. Ito’y napatunayang isang mabuting tulong upang unawain kung ano ang sinasabi sa plataporma. Kung samantalang kayo ay nakikinig sa pahayag ay inyong hinahanap ang mga pangunahing punto at isinusulat ang mga iyon, ito ay makatutulong sa inyo na ikintal ang mga ideyang ito sa inyong kaisipan upang maalaala ang mga yaon sa hinaharap. Nasumpungan ng iba na nakatutulong na gumawa ng balangkas sa kanilang sariling nota, na isinusulat ang mga pangunahing punto at inililista ang mga alalay na argumento sa ilalim ng mga pangunahing puntong ito. Ingatan sa kaisipan na pagkatapos ng pandistritong kumbensiyon ay magkakaroon ng repaso ang programa sa Pulong Ukol sa Paglilingkod sa inyong lokal na kongregasyon. Samantalang kumukuha ng nota, markahan ang mga bagay na nais ninyong komentuhan sa panahon ng pagrerepaso.
Ang isa pang tulong upang matandaan ang karamihan sa mga iniharap na impormasyon ay ang pagrerepaso sa programa sa katapusan ng bawa’t araw. Talakayin kasama ng inyong pamilya o ng iba pa ang bawa’t bahagi ng programa. Lalo nitong maikikintal nang higit ang mga pangunahing punto sa inyong kaisipan. (Ang impormasyon sa pahina 12 ng Agosto 22, 1984, isyu ng Awake! [Enero 22, 1985 sa Tagalog] ay maaaring makatulong sa paggunita sa impormasyong iniharap sa kumbensiyon.)
Ang pagkuha ng mga nota ay maaaring higit na mahirap para sa mga kabataan, subali’t sila ay maaaring pasiglahin na tingnan ang bawa’t kasulatan na binanggit at marahil ay makagagawa din ng nota sa bawa’t kasulatang ginamit. Bago magpasimula ang sesyon, maaaring tingnan ng mga magulang kasama ng kanilang mga anak ang programa para sa sesyong iyon upang malaman nila ang mga paksang tatalakayin. Kapag alam ng mga kabataan na sila ay kasali sa pagrerepaso ng programa at matatanong kung ano ang kanilang natutuhan sa araw na iyon, sila’y kadalasang makikinig nang lubusan sa pinag-uusapan sa programa.
KRISTIYANONG ASAL: Ang bayan ni Jehova ay kilala sa buong mundo dahilan sa kanilang mabuting asal. Pagkatapos ng 1984 na mga pandistritong kumbensiyon, tayo ay nakatanggap ng ilang napakainam na komento hinggil sa asal ng ating mga kapatid. Ang mga manager ng hotel ay nagkomento ng ganito: “Nasiyahan kami sa inyong mga tauhan. Ang mga bata ay napakabait.” “Sila ay napakabuting mga tao.” “Bawa’t taon ay mainam. Walang mga suliranin.” Hindi tayo nagtataka sa mga komentong gaya nito, yamang ang ‘pagkakaroon ng pag-ibig sa isa’t isa’ at ang ‘ibigin ang kapuwa gaya ng sarili’ ay tandang pagkakakilanlan ng mga tunay na Kristiyano.—Juan 13:35; Mat. 22:39.
Gayumpaman, mayroon pang pangangailangan ukol sa pagbabago. Tayo ay nakatanggap ng iba pang mga komento na nagpapakita na ang paggawi ng ilang kabataan sa lugar ng kumbensiyon at sa mga tuluyan ay nakakabahala. Ang karanasan ay nagpapakita na ang karamihan sa mga suliranin ng mga kabataan ay dahilan sa kakulangan ng superbisyon ng mga magulang. Dinadala ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang mga anak sa mga kumbensiyon upang sila ay “turuan ni Jehova” at upang sila ay ‘matuto sa banal na kasulatan mula sa pagkasanggol.’ (Isa. 54:13; 2 Tim. 3:15) Ang layuning ito ay maisasakatuparan lamang kapag ang mga kabataan ay mauupo sa kanilang upuan at makikinig sa programa. Ang mga sambahayan ay dapat na maupong magkakasama sa panahon ng programa, sa halip na pahintulutan ang kanilang mga anak na umupong kasama ng iba pang kabataan. Kapag ang mga kabataan ay mga boluntaryong manggagawa sa kumbensiyon, dapat na gumawa ng mga kaayusan ang kanilang mga magulang upang sila ay hindi nagtatrabaho sa panahon ng programa para sila ay makinig at matuto.
Iniulat din na ang ilang mga indibiduwal, bagaman nakaupo kasama ng mga tagapakinig ay patuloy na nag-uusap o nagiging sanhi ng iba pang pagkagambala sa halip na matamang makinig sa programa. Ang paggalang sa dulang ni Jehova at konsiderasyon sa ating mga kapatid ay dapat na magpakilos sa atin na gumamit ng mabuting pagpapasiya sa bagay na ito. Walang sinuman ang dapat na gumala-gala sa mga pasilyo o dumalaw sa iba sa panahon ng programa.—Awit 34:11; Ecles. 3:1, 7b.
Ang iba pang larangan na nangangailangang bigyang pansin ng ilan ay ang tungkol sa pananamit at pag-aayos. Kapag dumadalo sa mga kumbensiyon, tayo ay nagtitipon upang purihin si Jehova sa kaniyang “bahay” at tayo ay dapat na manamit na ayon doon. Ang ating pananamit at pag-aayos ay dapat na umayon sa mataas na pamantayan na inilagay para sa mga ministro ng Diyos at hindi dapat na maimpluwensiyahan ng bagay na ang lugar ng kumbensiyon ay isang palaruan o dako na may kaugnayan dito. Para sa higit pang impormasyon hinggil sa pananamit at pag-aayos, pakisuyong tingnan ang mga parapo 1 at 2 lakip na ang mga binanggit na kasulatan sa pahina 131 ng Organisado Upang Ganapin ang Ating Ministeryo.
PAGRERESERBA NG MGA UPUAN: Sa kabila ng paulit-ulit na payo hinggil sa paksang ito noong nakaraan, may patuloy pa ring suliranin hinggil sa pagrereserba ng mga upuan. Ang mga ulat ay nagsasabi na kapag ang lugar ng kumbensiyon ay binuksan, marami ang naghihintay sa pintuan upang mabilis na pumasok at magreserba ng pinakamabubuting upuan, hindi lamang para sa kanilang pamilya kundi para sa kanilang mga kaibigan at mga kamag-anak din na kadalasan ay hindi naman dumarating. Dahilan dito ay maraming inireserbang upuan ang hindi kailanman nagagamit.
Ano ang inyong naging pagtugon sa payo sa nakaraang mga isyu ng Ating Ministeryo sa Kaharian hinggil sa pagrereserba ng mga upuan? (Heb. 13:17) Kayo ba ay isa sa mga nakipagtulungan sa ibinigay na tagubilin, at kayo ba ay nakipagtulungan sa mga attendants na nagsikap na mapangasiwaan ang mga bagay-bagay? Ang mga sulat ay natanggap sa mga ilang interesadong tao na nagsasabing sila ay walang nasumpungan upuan sa kumbensiyon. Bakit? Sapagka’t maraming mga upuan na inireserba ay may lamang magasin o mga aklat. Kaya sila ay umuwi, bagaman sa katunayan ay may higit na mga upuan kaysa doon sa mga dumalo.
Dahilan dito at sa iba pang mga salik, lumilitaw na kailangan ang pagbabago. Kung gayon, ang alituntunin para sa pagrereserba ng mga upuan sa hinaharap ay na ang mga UPUAN AY MAAARING IRESERBA LAMANG PARA SA MIYEMBRO NG INYONG PAMILYA AT SA SINUMANG KASAMA NG INYONG GRUPO SA PAGLALAKBAY. Pakisuyong huwag mag-iwan ng anumang bagay sa mga upuan sa palibot ninyo, yamang maaaring akalain ng mga naghahanap ng upuan na yaon ay nakareserba. Yamang ang mga attendants ay bibigyan ng tagubilin alinsunod dito, pakisuyong makipagtulungan sa kanila habang sila ay nagsisikap na mapangasiwaan ang bagay na ito sa kapakinabangan ng lahat. Ang may pagpapakumbabang pagsunod sa teokratikong kaayusang ito ay magpapangyari na, sa karamihang kaso, ang bawa’t isa ay magkakaroon ng upuan. Kayo ay makasusunod sa “gintong aral” at mamamalas na kayo ay tunay na lapat sa maliliit na bagay.’ (Mat. 7:12; Luk. 16:10; ihambing ang 1 Corinto 13:5.) Dahilan dito iminumungkahi na gumamit kayo ng panahon upang repasuhin sa inyong pamilya at mga kaibigan ang mainam na materyal tungkol sa pagrereserba ng mga upuan, at gayundin ang iba pang payo hinggil sa personal na paggawi sa mga pandistritong kumbensiyon na lumabas sa insert noong Oktubre ng Ating Ministeryo sa Kdharian sa mga taon ng 1980 hanggang 1984.
INGATAN ANG ESPIRITUWAL NA PANGMALAS: Kung iingatan natin sa isipan na ang ating pangunahing dahilan para sa pagdalo sa kumbensiyon ay ang kumuha ng espirituwal na pagkain, kung gayon hindi kailanman papasok sa ating isipan na sikaping samantalahin ang gayong okasyon para sa pagkita ng salapi. Subali’t sa nakaraan ang ilan sa ating mga kapatid ay naghanda ng mga bagay gaya ng mga bag para sa aklat, takip ng aklat, kalendaryo, abp. para sa layuning magtinda sa kumbensiyon. Bagaman kamakailan ay nagkaroon na ito ng pagbabago, gayumpaman angkop pa rin na paalalahanan ang lahat na walang pahihintulutan na magtinda ng personal na bagay sa loob ng lugar ng kumbensiyon, at ang mga bagay mula sa Samahan lamang ang pahihintulutan sa bookroom o sa iba pang departamento ng kumbensiyon. ‘Unahin nating lahat ang Kaharian,’ na nagtitiwala kay Jehova na maglalaan ng ating materyal na mga pangangailangan habang ating inilalaan ang apat na araw ng kumbensiyon para sa espirituwal na mga bagay lamang.
Kung iingatan natin ang gayong espirituwal na pangmalas, kung gayon mauunawaan natin at igagalang ang mga tagubilin na ibinigay sa mga tagapangasiwa na ang lahat ng departamento, lakip na ang departamento ng refreshment ay dapat ha nakasara sa panahon ng lahat ng sesyon ng kumbensiyon. Kung mayroon kayong maliliit na anak, makabubuting magdala ng lalagyan ng tubig sa inyong upuan upang may mainom sila nang hindi umaalis sa kanilang upuan sa panahon ng programa ng kumbensiyon. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng lahat sa kaayusang ito, ang lahat, lakip na ang mga kapatid na gumagawa sa refreshment at iba pang departamento ay makakapakinig nang walang pagkagambala sa mga mahahalagang tagubilin at payo mula sa plataporma.
MGA KAAYUSAN SA PAGLILINGKOD SA LARANGAN: Ang pakikibahagi sa paglilingkod sa larangan ay napakahalagang bahagi ng ating pagsamba. Huwag ninyong kaliligtaan ang pagkakataong ito na magdaragdag sa inyong kasiyahan sa kumbensiyon sa pamamagitan ng pagdadala ng mabuting balita sa iba. Sa Biyernes ang programa ay isinaayos na matapos sa alas 3:00 n.h. Tiyaking gumawa ng inyong mga kaayusan para sa teritoryo bago magpasimula ang sesyon sa Biyernes ng hapon. Makatutulong din para sa mangunguna sa grupo na alamin ang pagtungo sa teritoryo kapag tinanggap ang atas upang walang panahong mawala sa Biyernes ng hapon. Pakisuyong magdala mula sa inyong kongregasyon ng suplay ng bagong mga magasin na magagamit sa paglilingkod sa larangan sa kumbensiyon.
BOLUNTARYONG PAGLILINGKOD: Ang mga kumbensiyon ay humihiling ng paggawa, at maraming boluntaryong manggagawa ang kailangan. Ang convention coordinator ng inyong kongregasyon ay tatanggap ng impormasyon na itinatala ang mga departamento na nangangailangan ng boluntaryo, at ipababatid niya ito sa kongregasyon. Maaaring isaayos ninyo sa pamamagitan niya na magboluntaryo. Ang mga bata na wala pang 16 na taong gulang ay kailangang magtrabaho kasama ng kanilang mga magulang o ng iba pang matanda sa lahat ng panahon. Aming hinihimok ang mga magulang at ang kanilang mga anak na magboluntaryo at gumawang magkakasama hangga’t maaari.
Sa panahon ng kumbensiyon maaaring mangailangan ng karagdagang boluntaryo. Kayo ay makatutulong sa pamamagitan ng pagtungo sa mesa ng Volunteer Service sa panahon ng inyong pagdating sa kumbensiyon. Ipababatid sa inyo ng kapatid na naroroon kung saan nangangailangan ng tulong. Ang inyong kusang-loob na paglilingkod ay lubusang pahahalagahan at makatutulong sa matagumpay na pagkilos ng kumbensiyon.—Gawa 20:35.
PANGANGAILANGAN SA PAGKAIN: Ang mga kaayusan ay isinasagawa upang matugunan ang ating pisikal na pangangailangan. Ang paglalaan para sa pagkain at inumin ay katulad din sa mga pandistritong kumbensiyon nang nakaraang taon. Ang pagsisikap niyaong mga gumagawa nang puspusan sa paglilingkod sa atin ay tunay na pinahahalagahan. Ang mga tiket sa kumbensiyon ay makukuha sa halagang ₱5.00 bawa’t pohas, na hinati-hati sa 10 sentimos ang bawa’t bahagi. Maaari ninyong bilhin ito mula sa mga kahera sa pagpapasimula ng araw ng kumbensiyon, malibang ang inyong kongregasyon ay magsaayos na bumili ng ilan sa mga ito nang patiuna mula sa pangulong tanggapan ng kumbensiyon.
Anong pribilehiyo na makadalo sa 1985 “Mga Nag-iingat ng Katapatan” na Kumbensiyon! Ang programa ay magpapatibay sa atin na patuloy na maglingkod nang tapat sa ating Diyos na si Jehova, sa kabila ng patuloy na pagsalakay ni Satanas. Nanaisin ninyong ganap na magsumikap na makabilang sa libu-libong dadalo sa bawa’t araw. Maipahayag nawa natin kagaya ni David, “Hatulan mo ako, Oh Jehova, sapagka’t ako’y lumakad sa aking pagtatapat,” at “tungkol sa akin, lalakad ako sa aking pagtatapat.”—Awit 26:1, 11.