Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/00 p. 1
  • Mga Buhay ang Nakataya!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Buhay ang Nakataya!
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Mensahe na Dapat Nating Ipahayag
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Patuloy na Mangaral!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Lubusan Mo Bang Ginagampanan ang Iyong Ministeryo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • “Patuloy Mong Ingatan ang Ministeryo na Tinanggap Mo sa Panginoon”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 9/00 p. 1

Mga Buhay ang Nakataya!

1 Ipinaliliwanag ng Bibliya na kalooban ni Jehova “na ang lahat ng uri ng mga tao ay maligtas.” Gayunman, totoo rin na ang mga pag-asa sa buhay ng bilyun-bilyon sa lupa ay depende sa kanilang saloobin sa Diyos na Jehova at sa kaniyang Kaharian sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Ang wastong saloobin ay maisasalig lamang sa “tumpak na kaalaman sa katotohanan.” (1 Tim. 2:3, 4) Habang nagbibigay ng babala na malapit nang linisin ang lupa mula sa lahat ng kabalakyutan upang bigyang-daan ang matuwid na bagong sanlibutan ng Diyos tayo ay inaatasan ding magsagawa ng mahalagang nagliligtas-buhay na gawain.—Mat. 24:14; 28:19, 20; Rom. 10:13-15.

2 Bakit Napakaapurahan? Si Jesus ay nagbigay ng babala hinggil sa isang “malaking kapighatian gaya ng hindi pa nangyayari mula nang pasimula ng sanlibutan.” (Mat. 24:21) Ang kapighatiang iyon ay aabot sa kaniyang kasukdulan sa Armagedon. (Apoc. 16:16) Kabilang sa karamihan ng mga tao na nakaharap sa pagkalipol kung sila’y hindi tutugon sa mabuting balita ay ang ating di-kapananampalatayang mga kamag-anak, kapitbahay, kamanggagawa, kamag-aral, at mga kakilala. Subalit ang ating ikinababahala ay ang pag-abot sa “lahat ng uri ng mga tao” bilang pagtulad sa Diyos, na nagpamalas ng kaniyang pag-ibig para sa buong daigdig ng sangkatauhan sa pagbibigay ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, bilang isang pantubos para sa lahat. (John 3:16) Dapat nating masikap na anyayahan ang lahat na tumakas tungo sa dako ng kaligtasan na inilaan ng Diyos. Sa lubusang pagsasagawa ng gawaing pangangaral, maiiwasan natin ang pagkakasala sa dugo.—Ezek. 33:1-7; 1 Cor. 9:16.

3 Ano ang Ating Tunguhin? Ang kahalagahan ng gawaing pangangaral ay idiniriin sa buong Salita ng Diyos. Gaya ng ipinahayag ni apostol Pablo, “ang pag-ibig na taglay ng Kristo ang nagtutulak sa amin” na mamuhay na kasuwato ng mga daan ng Diyos. (2 Cor. 5:14) Karagdagan pa, Ang Bantayan ay malimit na nagdiriin sa ating obligasyon na mangaral. Ang Ating Ministeryo sa Kaharian ay patuloy na naglalaan ng patnubay kung paano maisasagawa ang gawaing pangangaral. Inoorganisa ng matatanda ang gawain at pinasisigla tayong makibahagi rito. Inaanyayahan tayo ng mga kapuwa mamamahayag na makibahaging kasama nila sa ministeryo. Marami tayong naririnig tungkol sa paghahanda ng ating mga presentasyon, pag-aalok ng mga magasin at iba pang literatura, paggawa ng mga pagdalaw-muli, pagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya, at paggamit ng bawat pagkakataon upang magbigay ng patotoo. Ang lahat ng ito ay tumutulong sa atin sa pagsasakatuparan ng tunguhing magligtas ng mga buhay.—1 Cor. 9:22, 23; Efe. 1:13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share