Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/00 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Subtitulo
  • Linggo ng Setyembre 11
  • Linggo ng Setyembre 18
  • Linggo ng Setyembre 25
  • Linggo ng Oktubre 2
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 9/00 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Setyembre 11

Awit 139

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ilakip ang “‘Mga Tagatupad ng Salita ng Diyos’ na mga Pandistritong Kombensiyon.”

15 min: “Ang Pagpapala ni Jehova ay Nagpapayaman sa Atin.” Tanong-sagot.—Tingnan ang Insight, Tomo 2, pahina 804, parapo 6-7.

20 min: “Gamitin ang Kasalukuyang mga Pangyayari Upang Antigin ang Interes.” Pagtalakay sa tagapakinig at mga pagtatanghal. Banggitin ang ilang kasalukuyang mga pangyayari na lumikha ng interes sa lokal na kalagayan. Sa pamamagitan ng paggamit sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 11 (p. 10-11 sa Ingles), magbigay ng ilang mungkahi kung paano maghahanda ng isang pambungad na aakay sa isang pag-uusap sa Bibliya. Magkaroon ng dalawang inihandang mabuting pagtatanghal.

Awit 224 at pansarang panalangin.

Linggo ng Setyembre 18

Awit 2

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

15 min: Ano ang Ating Naisakatuparan Noong Nakaraang Taon? Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Repasuhin ang mga tampok na bahagi sa ulat ng kongregasyon para sa 2000 taon ng paglilingkod. Magbigay ng komendasyon para sa mabubuting bagay na naisakatuparan. Tukuyin ang mga larangan na maaaring kailangan ang pagsulong. Ituon ang pansin sa nagawa ng kongregasyon sa pagdalo sa pulong, pagsisimula at pagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya, at sa pagiging regular sa paglilingkod sa larangan. Balangkasin ang praktikal na mga tunguhin para sa dumarating na taon.

20 min: “Mga Buhay ang Nakataya!” Pagtalakay sa tagapakinig. Itampok ang mga kasulatang binanggit sa artikulo.

Awit 30 at pansarang panalangin.

Linggo ng Setyembre 25

Awit 93

15 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang “Tanong.”

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

15 min: Hindi Nawawalan ng Halaga ang Ating mga Magasin. Ano ang inyong ginagawa kapag natatambak ang mga lumang isyu ng Ang Bantayan at Gumising!? Gustong itapon na ito ng ilang mamamahayag, na iniisip na ang mga paksa ay hindi na napapanahon. Sa halip, ang Oktubre 1993 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 7, ay humihimok sa atin na magdala ng ilan sa mga lumang isyu at ialok ang mga ito kapag angkop. Maaari kayong pumili ng napapanahong mga artikulo na maaaring magustuhan ng mga lalaki, babae, mga taong propesyonal, mga may edad, at mga tin-edyer. Itanghal kung paano pipiliin at ihaharap ang mga artikulo.

Awit 115 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 2

Awit 169

15 min: Lokal na mga patalastas. Ipabatid sa kongregasyon ang tungkol sa pantanging pamamahagi ng Kingdom News Blg. 36, na magsisimula sa Lunes, Oktubre 16, at magpapatuloy hanggang Biyernes, Nobyembre 17. Himukin ang lahat, lakip na ang mga kabataan at mga baguhan, na abutin ang pagkakaroon ng ganap na bahagi. Dapat na magsimula na ngayon ang mga konduktor sa pag-aaral na pasiglahin at organisahin ang lahat sa kanilang grupo upang masigasig na makibahagi hangga’t maaari. Ilakip ang nakapagpapatibay na mga karanasan noong nakaraang pamamahagi ng Kingdom News.

15 min: “Dapat ba Akong Lumipat?” Pahayag ng isang matanda. Ipaliwanag kung bakit may pangangailangang gumamit ng kaunawaan kapag gumagawa ng pasiyang lumipat saanman. Talakayin kung paano ikakapit ang payong masusumpungan sa Kawikaan 22:3. Ilakip ang mga komento hinggil sa mga pag-iingat na masusumpungan sa Agosto 15, 1988, Bantayan, pahina 22.

15 min: Mga Karanasan sa Pagpapasimula ng mga Pag-uusap. Sa programa ng Pulong sa Paglilingkod noong linggo ng Setyembre 11, inirekomenda na bumuo tayo ng mga pambungad hinggil sa kasalukuyang mga pangyayari upang pumukaw ng interes at mapasimulan ang mga pag-uusap sa ministeryo. Anyayahan ang tagapakinig na ilahad ang mabubuting resulta na tinamasa na nila sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga mungkahing ito.

Awit 205 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share