Ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa 2001
1 Maraming maka-Kasulatang dahilan kung bakit lahat tayo ay dapat makibahagi nang lubusan hangga’t maaari sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro.—Kaw. 15:23; Mat. 28:19, 20; Gawa 15:32; 1 Tim. 4:12, 13; 2 Tim. 2:2; 1 Ped. 3:15.
2 Matagal nang bahagi ng paaralan ang isang programa sa lingguhang pagbabasa ng Bibliya. Katumbas ito ng pagbabasa ng mga isang pahina ng Bibliya bawat araw. Pasimula sa taóng ito, iaatas din ang isang pagbabasa sa Bibliya para sa bawat linggo ng nasusulat na repaso. Ang karagdagang iskedyul sa pagbabasa ng Bibliya, na isinaayos sa nakalipas na tatlong taon, ay natapos na. Ngunit kung nais mong basahin ang Bibliya nang higit pa kaysa nakaiskedyul, maaari kang gumawa ng sarili mong programa sa pagbabasa.
3 Ang Atas Blg. 2 ay nagsasanay sa mga kapatid na lalaki para sa “pangmadlang pagbabasa” ng Salita ng Diyos. (1 Tim. 4:13) Kapag may atas ka sa pagbabasa, paulit-ulit na sanayin mo ang pagbasa rito nang malakas.
4 Ang Atas Blg. 3 at Blg. 4 ay salig sa aklat na Nangangatuwiran, na inihanda para gamitin sa ministeryo sa larangan. Kung ang iniatas na materyal ay higit pa kaysa sa makakaya mong talakayin sa loob ng itinakdang oras, piliin lamang kung ano ang pinakapraktikal sa teritoryo ng inyong kongregasyon. Anumang tagpo na angkop sa inyong teritoryo ay maaaring gamitin.
5 Gawin ang lahat ng makatuwirang magagawa mo upang magampanan ang lahat ng iyong mga atas sa paaralan. Gumugol ng panahon upang makapaghandang mabuti, at magsalita mula sa iyong puso. Ikaw ay magiging isang bukal ng pampatibay-loob sa kongregasyon, at personal kang makikinabang sa pamamagitan ng buong-pusong pakikibahagi sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa 2001.