Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/01 p. 4
  • Maging Isang Maligayang Tagatupad

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Isang Maligayang Tagatupad
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Maliligayang “Tagatupad ng Salita”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Kagalakan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Isang Nagagalak na Bayan—Bakit?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Ang Kagalakan kay Jehova ay Ating Moog
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 1/01 p. 4

Maging Isang Maligayang Tagatupad

1 Sinabi ni Jesus na sa kaniyang pagkanaririto, ang karamihan ay ‘hindi magbibigay-pansin,’ gaya noong kaarawan ni Noe. (Mat. 24:​37-39) Kung gayon, inaasahan na maraming indibiduwal ang hindi makikinig sa mabuting balita ng Kaharian. Ano ang makatutulong sa atin upang mapanatili ang isang maligayang espiritu habang isinasagawa natin ang ating ministeryo?​—Awit 100:2.

2 Una, kailangan nating ingatan sa isip na kapuwa ang ating mensahe at ang ating atas na mangaral ay mula sa Diyos. Anumang kakulangan ng pagtugon sa ministeryo, sa kabila ng ating pinakamabuting mga pagsisikap, ay talagang isang pagtanggi kay Jehova. Ang paglalagay sa isip na ang ating katapatan sa pangangaral ay may ngiti ng kaniyang pagsang-ayon ay tutulong sa atin na mapanatili ang ating kagalakan at panloob na kaligayahan bilang mga tagatupad ng salita ng Diyos.​—Sant. 1:25.

3 Ikalawa, may mga indibiduwal pa rin na tatanggap sa paraan ng pagliligtas ni Jehova. Bagaman ang karamihan ay maaaring walang interes, mayroong tulad-tupang mga tao na kailangan pang tipunin, kahit na ngayon, na tayo’y nasa dulong bahagi na ng panahon ng kawakasan. Kailangan tayong patuloy na mangaral, na nagtutungo ‘sa anumang lunsod o nayon’ upang ‘hanapin kung sino roon ang karapat-dapat.’​—Mat. 10:​11-13.

4 Panatilihin ang Isang Positibong Saloobin: Ang nakalulungkot na rekord ng huwad na relihiyon ay sumiphayo sa ilan. Ang iba ay “nabalatan at naipagtabuyan” ng sistemang ito ng mga bagay. (Mat. 9:36) Marami ang maaaring labis na naguguluhan dahil sa kawalan nila ng mapapasukang trabaho, pangangalaga sa kalusugan, at katiwasayan. Ang pagkaunawa rito ay tutulong sa atin na maging matiyaga sa ating gawain. Pagsikapang simulan ang pakikipag-usap hinggil sa mga isyu na lubhang nakababahala sa mga tao sa ating teritoryo. Tulungan sila na makitang ang Kaharian ng Diyos ang tanging solusyon. Gamitin ang Kasulatan at ang mga espesipikong punto sa mga publikasyon upang abutin ang kanilang mga puso taglay ang mabuting balita.​—Heb. 4:12.

5 Laging tinatandaan ng maliligayang tagatupad ng salita ng Diyos na: “Ang kagalakan kay Jehova ang [ating] moog.” (Neh. 8:10) Hindi kailangang mawala ang ating kagalakan. “Kung ang bahay ay karapat-dapat, hayaang ang kapayapaan na ninanais ninyo ay dumoon; ngunit kung hindi iyon karapat-dapat, hayaang ang kapayapaan mula sa inyo ay bumalik sa inyo.” (Mat. 10:13) Pinanunumbalik ni Jehova ang ating kagalakan at kalakasan habang tayo ay matiyagang nagbabata sa sagradong paglilingkod sa kaniya, at pinagpapala niya ang ating katapatan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share