Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/01 p. 3
  • Mga Kombensiyon—Panahon Upang Magsaya!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Kombensiyon—Panahon Upang Magsaya!
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Kombensiyon—Katunayan ng Ating Pagkakapatiran
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Tinitipon ni Jehova ang Kaniyang Maligayang Bayan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • 1998-99 “Ang Daan ng Diyos Ukol sa Buhay” na mga Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Ikaw Ba ay Nagpapahalaga sa Sagradong mga Bagay?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 11/01 p. 3

Mga Kombensiyon​—Panahon Upang Magsaya!

1 Ang mga kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova ay mga okasyon ng malaking kasayahan. Sa mahigit na isang daang taon, ang mga pagtitipong ito ay nakatulong sa paglago na nagaganap sa ating organisasyon. Mula sa maliit na pasimula, nakita natin ang mayamang mga pagpapala ni Jehova sa ating pandaigdig na gawain. Sa ating unang kombensiyon sa makabagong panahon, sa Chicago, Illinois, noong 1893, may kabuuang bilang na 70 mula sa 360 dumalo ang nabautismuhan bilang sagisag ng kanilang pag-aalay kay Jehova. Ang serye ng “Mga Tagatupad ng Salita ng Diyos” na mga Pandistritong Kombensiyon nitong nakaraang taon ay may kabuuang bilang ng dumalo sa buong daigdig na 9,454,055, at may 129,367 na nabautismuhan. Tunay ngang kagila-gilalas na dahilan upang magsaya!

2 Mula pa noong panahon ng Bibliya, ang mga pagtitipon ng bayan ng Diyos ay nagsisilbing isang namumukod-tanging paraan para sa pagtatawid ng turo mula kay Jehova. Noong panahon nina Ezra at Nehemias, ang bayan ay nakinig sa pagbabasa ng Kautusan “mula sa pagbubukang-liwayway hanggang sa katanghaliang tapat.” (Neh. 8:​2, 3) Dahil sa pagkakaroon ng higit na kaunawaan sa Kautusan sa okasyong iyon, ang bayan ay nakaranas ng “malaking kasayahan.” (Neh. 8:​8, 12) Nagsasaya rin tayo na ang mga kombensiyon ay naglalaan ng isang mainam na pagkakataon para tayo ay tumanggap mula kay Jehova ng mahusay na turo at espirituwal na pagkain “sa tamang panahon” sa pamamagitan ng “tapat at maingat na alipin.” (Mat. 24:45) Yamang sinabi ni Jesus na ang tao ay mabubuhay sa “bawat pananalitang lumalabas sa bibig ni Jehova,” ang mga kombensiyon ay mahalaga sa ating espirituwal na kapakanan.​—Mat. 4:4.

3 Sulit ang Lahat ng Pagsisikap na Makadalo: Dapat na gawing personal na tunguhin nating lahat na tayo ay naroroon sa kabuuan ng “Mga Guro ng Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon sa taóng ito. Dapat nating planuhing dumating nang maaga bawat araw at manatili hanggang sa makasama tayo sa pagbigkas ng “Amen!” sa pansarang panalangin. Upang magawa ito ay baka kailanganin nating baguhin ang ating iskedyul. Ang hindi pagtatrabaho sa ating pinapasukan upang makadalo sa kombensiyon ay maaaring magharap ng ilang suliranin. Kailangan nating manindigang matatag, na hindi ipinagbabakasakali ang anumang bagay. Kung kailangan natin ng mga matutuluyan at/o transportasyon, dapat na maaga tayong gumawa ng mga kaayusan. Anumang pagsisikap na kailangan nating gawin ay magiging sulit!

4 Hindi sinusukat ng bayan ni Jehova ang mga pagpapala ng pagdalo sa kombensiyon sa pamamagitan ng salapi. Pansinin ang mga halimbawa ng mga naging determinadong dumalo sa 1958 Banal na Kalooban na Pang-Internasyonal na Asamblea ng mga Saksi ni Jehova sa New York City. Isang kapatid na lalaki ang nagsara ng kaniyang negosyo sa konstruksiyon sa loob ng dalawang linggo upang magboluntaryo at makadalo sa asambleang iyon. Isang kapatid na lalaki sa Virgin Islands ang nagbenta ng kaniyang dalawang ektaryang lupain upang ang kaniyang buong pamilya na may anim na katao ay makadalo. Ipinagbili ng isang mag-asawang nasa kabataan ang motor ng kanilang bangka upang maipagsama nila sa asamblea ang lahat ng kanilang tatlong anak, na ang edad ay mula sa dalawang buwan hanggang pitong taon. Tatlong lalaki na magkakapatid sa laman mula sa California ang sinabihan na kung sila’y hindi papasok sa kanilang trabaho, wala na silang trabahong babalikan pa. Gayunman, iyon ay hindi nakapigil sa kanila sa pagpunta sa di-malilimutan na asambleang iyon.

5 Ginagantimpalaan ni Jehova ang Ating Marubdob na Pagsisikap: Nakikita at pinagpapala ni Jehova ang mga pagsisikap ng kaniyang bayan. (Heb. 6:10) Bilang halimbawa, noong 1950 Paglago ng Teokrasya na Asamblea, yaong mga dumalo ay nakapakinig sa mahalagang pahayag na “Bagong Sistema ng mga Bagay.” Pinukaw at inantig ni Brother Frederick Franz ang interes ng lahat sa pamamagitan ng pagtatanong: “Magiging masaya kaya ang pang-internasyonal na asambleang ito na dito, sa gabing ito, ay may magiging mga prinsipe ng bagong lupa?” Pagkalipas ng mahigit na 50 taon, tayo ay nagsasaya pa rin dahil sa nilinaw na pagkaunawang ito sa Awit 45:16.

6 Pagkatapos na makadalo sa pandistritong kombensiyon nang nakaraang taon, isang mapagpahalagang ulo ng pamilya ang sumulat ng sumusunod: “Mga kapatid, hindi ninyo kailanman malalaman kung paano naging nagliligtas-buhay ang kombensiyong ito. Lumipat ang aking pamilya sa lunsod dahil sa trabaho, upang masumpungan lamang na hilahod na ang aming espirituwalidad. . . . Kinaligtaan namin ang aming mga obligasyong Kristiyano. Ganap pa nga kaming huminto sa pagdalo sa mga pulong at pakikibahagi sa paglilingkod. . . . Ang kombensiyong ito ay nagpanariwa sa amin, at muli kaming nagtakda ng mga espirituwal na tunguhin at naging organisado upang maisagawa ang mga ito.”

7 Si Jehova ay nagbibigay sa atin ng kinakailangan nating espirituwal na pagkain. Siya’y naghahanda ng isang saganang hapag sa ating mga kombensiyon. Ang ating pagpapahalaga sa paglalaang ito ay dapat na magpangyari sa atin na sabihin ang gaya ng sinabi ni Cornelio nang siya’y dalawin ni apostol Pedro: “Sa pagkakataong ito ay naririto kaming lahat sa harap ng Diyos upang pakinggan ang lahat ng bagay na iniutos ni Jehova sa iyo na sabihin.” (Gawa 10:33) Gawin nawa nating tunguhin na ‘humarap sa Diyos’ sa bawat sesyon ng “Mga Guro ng Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon sa taóng ito at magsaya!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share