Isang Pagbabalik-Tanaw sa Kasaysayan ng The New World Society in Action
Habang pinanonood mo ang pagtatanghal sa video ng pelikulang ito na ginawa noong 1954, isipin mo ang mga sagot sa mga tanong na ito: (1) Ano ang dahilan kung bakit ginawa noong una ang pelikulang ito, at ano ang naisakatuparan nito? (2) Anong mga publikasyon ang inilalathala ng mga Saksi ni Jehova, para kanino, at bakit? (3) Paano naiiba ang sirkulasyon ng magasing Bantayan sa ngayon kung ihahambing noong 1954? (4) Nitong nakaraang mga taon, paano naging mas makabago ang ating operasyon sa paglilimbag? (5) Ano ang hinangaan mo sa internasyonal na kombensiyon noong 1953 na idinaos sa Yankee Stadium? (6) Ano ba ang Trailer City, at anong namumukod-tanging mga bagay ang napansin mo hinggil dito? (7) Ano ang nagpapakita na ang ating gawain ay hindi lamang gawain ng isang bansa, isang nasyonalidad, o isang bayan? (8) Sa anu-anong paraan mo nadaramang kumikilos ang organisasyon ni Jehova taglay ang maibiging espiritu? (Awit 133:1) (9) Sino sa palagay mo ang magpapahalaga sa panonood ng pagbabalik-tanaw na ito sa kasaysayan ng mga gawain ng bagong sanlibutang lipunan noong dekada ng 1950?