Mga Paalaala sa Memoryal
Ang pagdiriwang ng Memoryal sa taóng ito ay papatak sa Huwebes, Marso 28. Dapat na bigyang-pansin ng matatanda ang sumusunod na mga bagay:
◼ Sa pagtatakda ng oras ng pulong, tiyaking ang mga emblema ay hindi ipapasa kundi pagkalubog ng araw.
◼ Dapat ipagbigay-alam sa lahat, lakip na sa tagapagsalita, ang eksaktong oras at lugar ng pagdiriwang.
◼ Dapat na kunin at ihanda ang angkop na uri ng tinapay at alak.—Tingnan ang Agosto 15, 1985, Bantayan, pahina 19.
◼ Ang mga plato, baso, at isang angkop na mesa at mantel ay dapat dalhin sa bulwagan at patiunang ipuwesto ang mga ito.
◼ Ang Kingdom Hall o ang iba pang dakong pulungan ay dapat na linising mabuti nang patiuna.
◼ Ang mga attendant at tagapagsilbi ay dapat piliin at tagubilinan nang patiuna hinggil sa kanilang mga tungkulin, pagsunod sa wastong pamamaraan, at pangangailangan para sa marangal na pananamit at pag-aayos.
◼ Dapat gumawa ng mga kaayusan upang mapagsilbihan ng mga emblema ang sinumang pinahiran na may sakit at hindi makadalo.
◼ Kapag mahigit sa isang kongregasyon ang nakaiskedyul na gumamit sa iisang Kingdom Hall, dapat magkaroon ng mabuting koordinasyon sa pagitan ng mga kongregasyon upang maiwasan ang di-kinakailangang pagsisiksikan sa bulwagang hintayan o pasukan, sa mga pampublikong bangketa, at sa paradahan.